Lapid bet ng NPC

BUO ang suportang ipinakita ng Nationalist People’s Coalition kay aspiring senator Lito Lapid sa isang pagpupulong ng buong partido kasama na ang mga lokal na opisyal, mga mayor at congressman at chairman ng partido na si “Danding” Cojuangco Jr. noong Martes.

The post Lapid bet ng NPC appeared first on Abante News Online.

lapid bet ng npc - Lapid bet ng NPC
lito 3 - Lapid bet ng NPC

BUO ang suportang ipinakita ng Nationalist People’s Coalition kay aspiring senator Lito Lapid sa isang pagpupulong ng buong partido kasama na ang mga lokal na opisyal, mga mayor at congressman at chairman ng partido na si “Danding” Cojuangco Jr. noong Martes.

Ang NPC ang ikalawang pinakamalaking partido sa buong Pilipinas.

Malaki ang pasasalamat ni Lapid sa buong NPC sa pangako nitong pagbuhos ng makinarya para suportahan siya at ang mga senador na dinadala ng partido.

Ayon pa kay Lapid na una nang naging miyembro ng NPC noong 1992 nang siya ay tumakbo bilang bise-gobernador ng Pampanga, ay malaki ang naitulong ng NPC sa kanyang pagkapanalo.

Noon ding 1995, nang siya ay tumakbo bilang gobernador ng Pampanga sa ilalim ng NPC ay muli siyang naipanalo ng partido.

Hiling ni Lapid sa mga local government official ng nasabing partido na sana’y ipagpatuloy ang suporta sa kanya hanggang sa mismong halalan sa Mayo.

Kabilang rin sa mga nag-endorso mismo sa kandidatura ni Lapid na mga miyembro ng NPC ay sina Senator Sherwin Gatchalian at outgoing senators Loren Legarda at Chiz Escudero.

The post Lapid bet ng NPC appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *