Langis tumagas sa EDSA

HIGIT pa sa normal na bigat ng trapiko ang naranasan ng mga moto­rista sa EDSA northbound lane sa Quezon City, makaraang tumagas mula sa isang truck ang langis na naging sanhi para ma­ging madulas ang kalsada.

langis tumagas sa edsa - Langis tumagas sa EDSA
traffic edsa - Langis tumagas sa EDSA

HIGIT pa sa normal na bigat ng trapiko ang naranasan ng mga moto­rista sa EDSA northbound lane sa Quezon City, makaraang tumagas mula sa isang truck ang langis na naging sanhi para ma­ging madulas ang kalsada.

Batay sa ulat, nanggaling ang oil spill mula sa isang truck na nag-U turn malapit sa SM Annex.

Agad namang gumawa ng aksyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para maresolba ang pagdulas ng kalsada na naging sanhi para sumemplang ang ilang nagmomotorsiklo.

Binugahan ng tubig na mayroong kemikal ang bahagi kung saan tumagas ang langis at ni­lagyan din ito ng kusot o sawdust.

Ayon kay BFP Inspector Belencio Hidalgo wala na ang truck nang duma­ting sila sa lugar.

Dahil sa insidente, ilang linya ang sinara na naging sanhi para uma­bot sa Quezon Avenue flyover ang trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *