Langis sa Bangsamoro Region hanapin — Duterte

Nababagalan si Pangulong Rodrigo Duterte sa implementasyon ng mga programa sa Bangsamoro Region na magpapaangat at babago sa buhay ng mga taga-Mindanao.

The post Langis sa Bangsamoro Region hanapin — Duterte appeared first on Abante News Online.

langis sa bangsamoro region hanapin duterte - Langis sa Bangsamoro Region hanapin — Duterte
ABANTE Duterte3 1 - Langis sa Bangsamoro Region hanapin — Duterte

Ni Aileen Taliping

Nababagalan si Pangulong Rodrigo Duterte sa implementasyon ng mga programa sa Bangsamoro Region na magpapaangat at babago sa buhay ng mga taga-Mindanao.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang paggalaw ng pagbabago sa kabila ng mayamang natural resources ng rehiyon.

Ito aniya ang dahilan kaya gusto niyang ilagay si Agriculture Manny Piñol sa Mindanao para mayroong timon at magiging tulay ng national government sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“Sabi ko kailangan ko ng timon. Sabi ko pumunta ka (Piñol) na lang doon, tulungan mo na lang ako. Get them started hurry up, hurry them up so that they would have long wish for,” anang Pangulo.

Nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi niya sinasabing hindi marunong ang mga opisyal sa BARMM dahil mga edukado at mga dating politiko ang mga ito subalit tila aniya mayroong diskuneksiyon ang mga ito sa kanya.

Isa sa mga nais ng Pangulo na masimulan agad ay ang pagtukoy ng langis sa Liguasan Marsh at iba pang mineral deposits na maaaring pakinabangan.

“I am not saying that they do not know how to govern. As a matter of fact, they are experts. Most of them because they are once upon a time politicians or in– somehow involved in politics,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang pagkakaroon ng sariling pagkukunan ng langis ang isa sa minimithi ni Pangulong Duterte para sa Pilipinas para mabawasan ang pagiging dependent ng bansa sa mga inaangkat na produktong petrolyo, at maging daan din ito para magkaroon ng sariling pagkakitaan ang mga taga-Mindanao.

The post Langis sa Bangsamoro Region hanapin — Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *