Lahat ng suspendido sa korapsyon sibak kay Digong

Sisibakin sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno na nasuspinde dahil sa katiwalian.

The post Lahat ng suspendido sa korapsyon sibak kay Digong first appeared on Abante.

lahat ng suspendido sa korapsyon sibak kay digong - Lahat ng suspendido sa korapsyon sibak kay Digong
abante duterte 25 - Lahat ng suspendido sa korapsyon sibak kay Digong

Sisibakin sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng opisyal at kawani ng gobyerno na nasuspinde dahil sa katiwalian.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na kahit suspension lamang ang ipinataw na parusa sa mga may kaso ng katiwalian, pagdating sa kanyang opisina ay dismissal ang magiging aksiyon nito.

Babaliktarin aniya nito ang desisyon ng mga kaso ng tiwali sa gobyerno lalo na kung may kinalaman ito sa pera o pangongotong.

“Maski na malakas nyo na suspension lang, pagdating dito sa opisina ko , I can reverse the decision. Pag basta may pera, conversion ganoon, dismissed kayo. I will reverse the dismissal from suspension to dismissal,” anang Pangulo.

Magpapatuloy aniya ang kanyang kampanya laban sa katiwalian at marami pa ang masisibak sa mga darating na araw dahil marami ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na may mga kaso ng katiwalian.

“So ito iyong drive natin sa Anti-Graft and Corrupt Practices. Many more kasi pending eh, many more na mga kaso ,” dagdag ng Pangulo.

May mga pangalang inianunsiyo ang Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan na mga opisyal at tauhan ng gobyerno na nasuspinde at nadismis sa serbisyo dahil sa korapsiyon mula sa Department of Transportation (DOTr) , Land Transportation Office (LTO), Land Transportation. Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine Aerospace Development Corporation (PADC) .(Aileen Taliping)

The post Lahat ng suspendido sa korapsyon sibak kay Digong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *