Lahat ng negosyo buksan na – DTI

Pabor si Trade Secretary Ramon Lopez na buksan ang iba pang mga negosyo kahit nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) o modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.

The post Lahat ng negosyo buksan na – DTI first appeared on Abante.

lahat ng negosyo buksan na dti - Lahat ng negosyo buksan na – DTI
balik - Lahat ng negosyo buksan na – DTI

Pabor si Trade Secretary Ramon Lopez na buksan ang iba pang mga negosyo kahit nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) o modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.

Sa budget hearing ng panukalang pondo ng Department of Trade and Industry (DTI), sinabi ni Secretary Ramon Lopez na iniiisip niya ang kahirapan at kagutuman kaya’t kailangang i-reopen ang iba pang sektor para mas maraming empleyado ang makapasok sa trabaho.

Mas mainam aniyang bigyan ng pagkakataon ang iba pang industriya katulad ng mga accounting firm at film industry na makapagbukas habang ang ilan pang sektor ay gawin nang 100% ang kapasidad mula sa kasalukuyang 50%.

“Kahit GCQ pa rin tayo but at least we open some more the economy. That is also a good alternative. Kahit di mag-MGCQ, kahit GCQ pa rin basta remaining sector,” sabi ni Lopez.

“I’m referring to other services na ngayon under GCQ ay 50% operating capacity. Ito ay mga legal, accounting firms, other services in the film industry, and other services that can be made from 50% or 100% operating capacity to allow more workers na makabalik sa kanilang mga trabhao,” dagdag nito.

Sa naturang padinig, hiniling ng DTI ang P5.5 bilyon pondo para sa 2021. Mas maliit ito sa kasalukuyang budget ng P5 bilyon.

Sabi ni Lopez, ibinalik nila sa national treasury ang P2 bilyon para sa Covid response kaya nag-ooperate sila ngayon sa P4 bilyon budget lamang.

Inihayag din ni Lopez na natutukan nila ang presyo ng mga bilihin sa panahon ng pandema at walang nangyaring price increase

Dagdag pa nito, napigilan ang food shortage sa gitna ng pandemya.

Sang-ayon din ang Malacañang sa re-opening ng ekonomiya para matugunan ang kagutuman na isinasaad ng Social Weather Station (SWS) survey na nasa 7.6 milyon nitong nakalipas na tatlong buwan.

“Ang garantiya na mapababa natin ang bilang ng nagugutom ay buksan ang ekonomiya nang mas marami ang makapaghanapbuhay. Ang ayuda temporary lang yan, mas mabuting bigyan natin ng permanenteng hanapbuhay muli ang ating mga kababayan,” ani Roque.(Dindo Matining)

The post Lahat ng negosyo buksan na – DTI first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *