Lahat ng eskinita papasukin ko — Bong Go

HINDI pa rin maaaring maging kampante si senatorial candidate Bong Go kahit pa malakas ang hatak nito sa mga pre-election survey at makapapsok sa “magic 12”.

The post Lahat ng eskinita papasukin ko — Bong Go appeared first on Abante News Online.

lahat ng eskinita papasukin ko bong go - Lahat ng eskinita papasukin ko — Bong Go
abante Bong Go - Lahat ng eskinita papasukin ko — Bong Go

HINDI pa rin maaaring maging kampante si senatorial candidate Bong Go kahit pa malakas ang hatak nito sa mga pre-election survey at makapapsok sa “magic 12”.

Sa huling survey ng Pulse Asia ay pang-5 si Go na nakakuha ng botong 40.8 percent mula sa kabuuang 1,800 respondents.

Ayon sa dating opisyal, hanggang sa huling araw ng kampanya ay mag-iikot ito sa iba’t ibang panig ng bansa hindi lang para mangampanya kundi para malaman at makuha ang sentimyento ng mga ordinaryong mamamayan.

“Hindi po ako magiging kampante. Hanggang sa huling araw, hanggang sa huling oras ng kampanya ay iikot po ako. Para sa akin ito rin po ay isang paraan para makahalubilo ko ang ating mga kababayan, mapangiti man lang sila at malaman ang mga hinaing nila.

Gaya ng pangako ko sa taong bayan ay magseserbisyo po ako. Kahit saang eskinita po kayo ng Pilipinas ay papasukin ko kayo,” ani Go.

Muling pinasalamatan ng dating aide ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang mga sumusuporta sa kanya at nangakong hindi niya bibiguin ang mga ito sakaling palarin siyang makatuntong sa senado. (Aileen Taliping)

The post Lahat ng eskinita papasukin ko — Bong Go appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *