Lagundi inaprub ng FDA subukan vs COVID

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagsasagawa ng clinical trial para sa Lagundi o vitex negundo bilang supplemental treatment laban sa COVID-19.

The post Lagundi inaprub ng FDA subukan vs COVID first appeared on Abante.

lagundi inaprub ng fda subukan vs covid - Lagundi inaprub ng FDA subukan vs COVID
lagundi 1 - Lagundi inaprub ng FDA subukan vs COVID

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagsasagawa ng clinical trial para sa Lagundi o vitex negundo bilang supplemental treatment laban sa COVID-19.

Sa idinaos na Laging Handa press briefing kahapon, kinumpirma ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña na may go signal na ang FDA nitong nakaraang linggo para sa gagawing clinical trial sa lagundi na kilala rin bilang Chinese chaste tree.

Kalahok sa mga gagawing clinical trial ang mga pasyente ng COVID-19 na mayroong mga mild symptom at ginagamot ngayon sa Quezon Institute quarantine center, Sta. Ana Hospital at Philippine National Police-National Capital Region community quarantine center.

“Ang hangad natin ay ma-address ang symptoms gaya ng ubo, lagnat at mga sore throat. Kasi malaking bagay kung giginhawa ang ating pasyente na mild cases dyan sa mga symptoms na ‘yan,” ayon kay Dela Peña.

Ang Lagundi ay isang uri ng herbal medicine na subok nang mabisang panglunas sa ubo na isa naman sa mga sintomas ng COVID-19

Kumbinsido ang mga alternative medical practitioner sa bansa na makatutulong ang lagundi para guminhawa at maibsan ang nararanasang hirap sa paghinga ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.(Mia B. Billones)

The post Lagundi inaprub ng FDA subukan vs COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *