Lady official hilig mag-bikining itim

KAHIT malapit nang maging menopause, hindi naman ito ­pinoproblema ng isang ­opisyal ng gobyerno bagkus ay ine-enjoy pa niya ito.

lady official hilig mag bikining itim - Lady official hilig mag-bikining itim
kartada11 1 - Lady official hilig mag-bikining itim

KAHIT malapit nang maging menopause, hindi naman ito ­pinoproblema ng isang ­opisyal ng gobyerno bagkus ay ine-enjoy pa niya ito.

Tulad nga ng kasa­bihang life begins at 40, hindi daw ­nahihiya ang government ­official na ipakita ang ­kanyang wankata sa social ­media.

Nakarating sa impormasyon ni Mang ­Teban na laging naka-bikini ang hitad kapag pumapasyal sa beach at may paboritong ­kulay ito – itim.

Kung may videoke bar nga lang sa beach resort na tinambayan ng government official, aba’y swak na swak ang kantang “Biki­ning Itim” ni Bert Dominic sa babaeng nagmumurang kamatis.

Siyempre, puro mga likes ang nakukuhang komento nito sa pagsusuot ng biki­ning itim eh paano ba naman kasi takot ang mga utaw na i-bash ito at alam nilang kukuyugin sila ng troll.

Pintahan niyo na. Ang government official na laging naka-bikining itim sa beach ay ­dating nadestino sa isang ­sangay ng gobyerno at may letrang B sa kanyang pa­ngalan as in Babae siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *