Lacson tumaya kay Angel

Nakahinga ng maluwag si Senador Panfilo Lacson matapos tiyakin ng military na hindi kasapi ng New People’s Army ang actress na si Angel Locsin lalo na’t nakatakda itong maging ninong sa kasal nito.

The post Lacson tumaya kay Angel first appeared on Abante.

lacson tumaya kay angel - Lacson tumaya kay Angel
abante lacson - Lacson tumaya kay Angel

Nakahinga ng maluwag si Senador Panfilo Lacson matapos tiyakin ng military na hindi kasapi ng New People’s Army ang actress na si Angel Locsin lalo na’t nakatakda itong maging ninong sa kasal nito.

Ginawa ni Lacson ang pahayag sa pagdinig ng Senate defense committee sa diumano’y red-tagging ng mga celebrity at organisasyon ng mga opisyal ng militar.

Tinanong ni Lacson si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. tungkol sa kanyang kontroberisyal na pahayag kung sinabi sinabi ng huli na bahagi ng NPA ang kapatid ni Angel na si Ella Colmenares.

“I also mentioned Ella Colmenares because it’s really true that Ella is an NPA. I never said that Angel Locsin is an NPA,” pahayag ni Parlade sa komite.

“Ang statement niya [Locsin], sinasabi niya na hindi raw siya NPA. I never said that she is an NPA. No, I never said that,” dagdag nito.

Giit naman ni Lacson, buti na umano’t nilinis ni Parlade si Locsin sa kanyang pagkakadawit sa NPA dahil nakatakda pa naman siyang mag-ninong sa kasal ng aktres.

“I’m glad you mentioned in your own words that Angel Locsin is not an NPA. I’ll make a disclosure. Her fiancé, Neil Arce is a family friend. As a matter of fact, pag kinasal yun kukunin akong ninong,” pahayag ni Lacson.

“And I hope she’s monitoring para malaman niya na sayo [Parlade] mismo nanggaling na hindi siya NPA. And I think she will feel relieved coming from you na hindi siya NPA,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

The post Lacson tumaya kay Angel first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *