Lacson kay Sinas: Patunayan sa mga kritikong may ‘K’ na PNP chief

Kailangang patunayan umano ni Police Major General Debold Sinas sa kanyang mga kritiko na tama ang pagpili sa kanya bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

The post Lacson kay Sinas: Patunayan sa mga kritikong may ‘K’ na PNP chief first appeared on Abante.

lacson kay sinas patunayan sa mga kritikong may k na pnp chief - Lacson kay Sinas: Patunayan sa mga kritikong may ‘K’ na PNP chief
abnate ping - Lacson kay Sinas: Patunayan sa mga kritikong may ‘K’ na PNP chief

Kailangang patunayan umano ni Police Major General Debold Sinas sa kanyang mga kritiko na tama ang pagpili sa kanya bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang payo ni Senador Panfilo Lacson kay Sinas kasabay ng kanyang pagbabalik-tanaw sa kanyang karanasan noong ipagkatiwala sa kanya ang naturang posisyon dalawang dekada na ang nakakaraan.

“20 years ago, on November 16, 1999, critics hit my appointment as CPNP. It was a tough challenge I swore to hurdle if only to prove my critics wrong,” pahayag ng dating PNP chief sa kanyang Twitter post.

“I hope CPNP Debold Sinas thinks exactly the same,” dagdag pa nito.

Samantala, welcome naman kay Senador Bong Go ang pagtalaga kay Sinas bilang susunod na pinuno ng pambasang kapulisa kapalit nang magreretiro nang si Police General Camilo Pancratius Cascolan.

“I welcome the appointment of Gen. Debold Sinas as the next PNP Chief. Given his track record, I am hopeful that he will continue and strengthen further our relentless fight against illegal drugs, criminality and corruption,” ani Go.(Dindo Matining)

The post Lacson kay Sinas: Patunayan sa mga kritikong may ‘K’ na PNP chief first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *