Labanan sa PNP chief: Kahit bobo may pag-asa basta tapat

NILATAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katangian ng hinahanap niyang susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

labanan sa pnp chief kahit bobo may pag asa basta tapat - Labanan sa PNP chief: Kahit bobo may pag-asa basta tapat
pnp chief - Labanan sa PNP chief: Kahit bobo may pag-asa basta tapat

NILATAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang katangian ng hinahanap niyang susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Duterte, importante na ang susunod na PNP chief ay tapat sa sinum­paang tungkulin kahit na masasabing bobo o hindi topnotcher sa Philippine National Police Academy (PNPA) o Philippine Military Aca­demy (PMA).

“I should have a wider choice, but ito ang maasahan ng, maasahan mo and to all of the Filipino people. My only consideration, the only standard, the only thing that I would ask for of the, of the next PNP chief is honesty,” ayon kay Pangulong Duterte sa exclusive interview ng ABS-CBN noong Lunes.

“Maski bobo ka, hindi ka number one sa klase mo noon with PNPA or PMA, even if you are the goat of the class but if you are the honest guy, I will go for it,” diin ng Pa­ngulo.

Tatlong pangalan na ang lumutang na magiging kapalit ng nagbitiw na PNP chief General Oscar Albayalde. Ito ay sina Lt. Gen. Archie Gamboa, Lt. Gen. Camilo Cascolan at Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

Napilitang magbitiw sa puwesto si Alba­yalde matapos makaladkad ang kanyang pangalan sa ‘ninja cops’ scandal.

Lumabas sa isinagawang imbestigasyon ng Senado na 13 dati niyang tauhan sa Pampanga ang nasangkot sa kontrobersyal na raid ng bahay ng drug lord na si Johnson Lee, kung saan nawala ang 160 kilo ng shabu at pinatakas pa ang drug lord kapalit ng halagang P50 milyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *