Kung wala si Tankoua timbuwang kami – Boyet

Kung wala si Tankoua timbuwang kami - Boyet

PAKAY ng defending champion San Beda University Red Lions na sakmalin ang 12-game winning streak kaya paniguradong kapit ulit sila kay Donald Tankoua pagharap nila sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa pagpapatuloy ng 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

kung wala si tankoua timbuwang kami boyet - Kung wala si Tankoua timbuwang kami – Boyet
san beda 3 - Kung wala si Tankoua timbuwang kami – Boyet

Standings W L
San Beda 11 0
LPU 8 3
SSC-R 7 3
Letran 7 4
CSB 6 4
Mapua 4 6
JRU 4 7
Perpetual 3 7
Arellano 2 9
EAC 1 10

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
2:00pm — San Beda vs JRU
4:00pm — Arellano vs Perpetual

PAKAY ng defending champion San Beda University Red Lions na sakmalin ang 12-game winning streak kaya paniguradong kapit ulit sila kay Donald Tankoua pagharap nila sa Jose Rizal University Heavy Bombers sa pagpapatuloy ng 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Galing sa panalo ang Red Lions pero dumaan sa butas ng karayom bago nilista ang malinis na 11 panalo.

Kumayod si Tankoua ng 20 points at siyam na rebounds upang kalusin ang Arellano University Chiefs, 73-66, sa kanilang huling laro.

“Without Donald, we will not win this game. I’m happy he stepped up,” saad ni San Beda head coach Boyet Fernandez.

Bukod kay Tankoua, inaasahang sasandalan din ni Fernandez ang bataan niyang sina Evan Nelle, Clint Doliguez at James Canlas.

Tulad ng SBU, nanaig din ang Kalentong-based Heavy Bombers sa kanilang huling laban, pinayuko ang Emilio Aguinaldo College Generals, 69-63.

Solo sa tuktok ng team standings ang Red Lions, nasa pangalawang puwesto ang last year’s runner-up Lyceum of the Philippines Pirates tangan ang 8-3 record habang No. 3 ang San Sebastian College Stags na may 7-3 karta.

Samantala, magkakaldagan sa alas-4 ng hapon ang Arellano University at Perpetual Help Altas. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *