Kung ayaw ko tanggal na ‘yan!

MAY tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Phili­ppine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayal­de sa harap ng kontrobersya na pinoprotektahan nito ang ilang ‘ninja cops.’

kung ayaw ko tanggal na yan - Kung ayaw ko tanggal na ‘yan!
albayalde 5 - Kung ayaw ko tanggal na ‘yan!

Albayalde may amor pa rin kay Duterte

MAY tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte kay Phili­ppine National Police (PNP) chief Police General Oscar Albayal­de sa harap ng kontrobersya na pinoprotektahan nito ang ilang ‘ninja cops.’

“Well, he is still there, other­wise I would have told him to just go out. Wala pa naman. Just give me proof. Kasi abogado ako eh,” wika ni Duterte sa Davao City matapos itong dumating sa biyahe mula sa Russia.
Gayunman, nais ng Pangulo na paimbestigahan kay Interior Secretary Eduardo Año ang isyung kinasasangkutan ni Albayalde.

“I have to follow procedural­ due process and allow (Alba­yalde) time to answer, the right to be heard. It’s given to the criminals, to the kidnappers, it should be given to a general of the (Philippine National Police) because under laws we are all equal,” paliwanag ni Duterte.
Nilinaw din ng Pangulo na hindi mga heneral kundi mga colonel ang binanggit niya sa forum sa Russia na sangkot pa rin sa iligal na droga.

“I must admit my ignorance actually. Yung ranggo kasi nung nauso yang superintendent, panahon ko bumalik kayo sa police colonel, police major. Kasi lahat ng tao nalilito,” saad ng Pangulo.

“Walang generals dun,­ ­medyo dalawang ano…. Walang generals dun, I’m sure of that. Sa aking report na dumating sa akin, wala. Colonel, I think… Nalilito kasi ako sa superintendent na yan,” dagdag pa niya.

Dahil sa sinabi ni Duterte sa Russia, napilitang magsalita si Albayalde na hindi siya ang binabanggit ng Pangulo.

Samantala, sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na walang makakapilit kay Albayalde na magbitiw sa puwesto dahil sa personal na desisyon ito.

“Ang resignation personal decision ‘yan. Hindi dapat pakialaman ng kung sino,” pahayag ni Lacson sa panayam sa dzBB kahapon.

“Doon ka magre-refer sa konsensya mo kung nararapat ba. Ikaw nakakaalam kung nararapat bang mag-resign ka o hindi,” dagdag nito.

Sabi pa ni Lacson, magkukusa lang mag-resign si Alba­yalde kung ipag-utos ng ‘high authority’ na gawin niya ito.

Ngunit para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dapat na umanong ikonsidera ni Albayalde ang maagang pagreretiro. Nakatakdang magretiro si Albayalde pagsapit ng ika-56 kaarawan niya sa Nobyembre 8.

Sa pagdinig noong Martes sa Senado, ibinunyag ni da­ting PNP Criminal Investigation and Detection Group at Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nanghimasok diumano si Albayalde sa parusa laban sa kanyang dating 13 tauhan na sangkot sa kuwestiyonableng drug-bust operation sa Pampanga noong 2013.

Si Albayalde na dating ­acting police director ng Pampanga noong panahon na iyon ay humiling diumano kay dating PNP Central Luzon Regional Director Aaron Aquino, ngayo’y hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency, na huwag munang ipatupad ang dismissal order sa tinaguriang mga ‘ninja cop’. (Prince Golez/Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *