Krisis sa tubig pinalala ng Primewater-Villar

INANUNSYO ng Zamboanga City Water District (ZCWD) na magpapatuloy ang pagrarasyon ng tubig kahit bumalik sa normal na operasyon ang kanilang treatment plant.

The post Krisis sa tubig pinalala ng Primewater-Villar appeared first on Abante News Online.

krisis sa tubig pinalala ng primewater villar - Krisis sa tubig pinalala ng Primewater-Villar
prime 1 - Krisis sa tubig pinalala ng Primewater-Villar

INANUNSYO ng Zamboanga City Water District (ZCWD) na magpapatuloy ang pagrarasyon ng tubig kahit bumalik sa normal na operasyon ang kanilang treatment plant.

Sinisi ng ZCWD ang PrimeWater Infrastructure Corp. ng bilyonaryong si dating Senate President Manny Villar na nararanasang water shortage.

Ayon kay Engr. Teotimo Reyes Jr. production department ma­nager ng ZCWD, magpapatuloy ang water rationing dahil ang kanilang treatment plant sa Barangay Pasonanca ay ginagamit para punan ang supply ng tubig sa west coast area ng lungsod.

Ani Reyes, ang west coast area at city proper ay sinusupla­yan ng PrimeWater pero 38.75% lamang ang nabibigyan ng tubig.

Binanggit naman ni Marli de Fiesta, ZCWD engineer at cons­truction department manager, 28.8 million liters a day (MLD) lamang ang sinusuplay ng kompanya ni Villar, malayo sa commitment nito sa kontrata na 50MLD.
Aalisin lang nila ang water rationing kung kakayanin na ng PrimeWater na suplayan ang mga customer base sa sinasaad ng kanilang kontrata.

“What is happening now is they divert water from the treatment plant to the west coast to augment the supply of Prime Water,” paliwanag niya.

Ang arawang produksyon ng ZCWD at Prime Water ay 139,249 cubic meters lamang, kapos sa 157,000 cubic meters na kinakailangan ng 60,000 water concessionaires.

Sinimulan ang water ratio­ning noong Enero 2019 bunsod ng tagtuyot epekto ng El Niño phenomenon.

Hindi lang sa Zamboanga City may problema ang operasyon ng PrimeWater kundi pati na rin sa Bulacan at Pampanga.

Sa Pampanga, natuklasan ng Commission on Audit (COA) sa kanilang 2018 annual report, na bagsak sa Arsenic test ang tubig na nanggagaling sa walo mula sa 13 pumping station ng Guagua Water District na siyang kasosyo ng Prime Water.

Ang maximum allowable le­vel para sa drinking water ay 0.01 mg/L pero ang mga nabanggit na pumping station sa Guagua ay nakapagtala ng hanggang 0.023 mg/L – halos doble sa pinapayagan ng gobyerno.

Ang Arsenic ay nakakasama sa katawan ng tao lalo na kung mataas dahil sa makapagdudulot ito ng iba’t ibang sakit. (w/PNA)

The post Krisis sa tubig pinalala ng Primewater-Villar appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *