Krisis sa pabahay agarang aksyunan ng gobyerno – Angara

POSIBLENG lumobo nang hanggang 12 mil­yon ang kakulangan ng pabahay sa bansa hanggang sa taong 2030 kung hindi ito agad aaksyunan ng mga kinauukulan.

The post Krisis sa pabahay agarang aksyunan ng gobyerno – Angara appeared first on Abante News Online.

krisis sa pabahay agarang aksyunan ng gobyerno angara - Krisis sa pabahay agarang aksyunan ng gobyerno – Angara
abante Angara 2 - Krisis sa pabahay agarang aksyunan ng gobyerno – Angara

POSIBLENG lumobo nang hanggang 12 mil­yon ang kakulangan ng pabahay sa bansa hanggang sa taong 2030 kung hindi ito agad aaksyunan ng mga kinauukulan.

Ito ang babala ngayon ni re-electionist Senator Sonny Angara, base sa isinagawang pag-aaral ng University of Asia and the Pacific noong 2016.

Ayon pa kay Angara, kung hindi mareresolba ang naturang problema, kasabay din nitong darami ang mga walang tirahan sa mga darating na panahon.

“Sa kabuuang bilang ng ating populasyon (106-108 milyong Pilipino), tinatayang 4.5 milyon dito ang walang tirahan at 3 milyon sa kanila ay narito sa Metro Manila,” ayon sa senador sa kanyang pagdalo nitong nakaraang araw sa pulong ng Chamber of Real Estate and Builders’ Associations, Inc. (CREBA) sa Lungsod ng Makati.

Ipinagtataka naman ni Angara na umabot sa ganito ang bilang ng mga kakulangan sa pabahay, gayong sinasabi naman ng real estate industry na patuloy sa paglusog ang kanilang industriya.

Katunayan, anang senador, 12 porsiyentong pagtaas ang naibahagi ng housing industry sa gross domestic product (GDP) ng bansa mula 2014 hanggang 2018.

“Puwede nga naman nating isipin na patuloy nga sa pag-unlad ang real estate industry, pero kulang na kulang ang pabahay sa mamamayan,” ani Angara, muling tumatakbo bilang senador sa ilalim ng platapormang Ala­gang Angara.

Aniya pa, malaki ang ginagampanang papel ng pabahay sa buhay ng mga Pilipino dahil isa ito sa mga solusyon laban sa matinding kahirapan. (Dang ­Samson-Garcia)

The post Krisis sa pabahay agarang aksyunan ng gobyerno – Angara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *