Kotse ng pinatay na lady Grab driver narekober sa Lucena

Narekober sa Lucena City ang sasakyan ng pinaslang na grab driver na si Maria Cristina Palanca.

The post Kotse ng pinatay na lady Grab driver narekober sa Lucena appeared first on Abante News Online.

kotse ng pinatay na lady grab driver narekober sa lucena - Kotse ng pinatay na lady Grab driver narekober sa Lucena
police 6 - Kotse ng pinatay na lady Grab driver narekober sa Lucena

Narekober sa Lucena City ang sasakyan ng pinaslang na grab driver na si Maria Cristina Palanca.

Batay sa report ng Lucena City police, isinuko ng negosyanteng si Mildred Salcedo kasama si Marie John Almario, residente ng Cotta, Lucena City, sa himpilan ng pulisya alas-11:30 Martes nang gabi ang itim na Toyota Avanza na isinangla umano ng suspek na si Paolo Largado.

Sa salaysay ng dalawa, ang nasabibng s­asakyan ay isinangla umano ni Largado sa kanila sa hala-gang P30,000 at nangakong tutubusin sa June 2 makalipas ang isang linggo.

Subalit nang makita nila umano sa social media na suspek sa krimen si Largado ay boluntaryo nilang isinuko ang sasakyan.

Si Largado ang itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay sa biktima makaraang matagpuan ang duguan at wala nang buhay na si Palanca sa loob ng unit ni Largado sa Dumos 1 Condominiu­m, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal noong Linggo.

Huli umanong nakitang buhay si Palanca noong Mayo 23 makaraang umalis as bahay dahil umano sa nagpa-book na pasahero. Matapos ito ay nawala na umano sa GPS ang sasakyan ng biktima at hindi na nakauwi ng kanilang bahay kaya’t dumulog ang pamilya sa pulisya.

Lumitaw naman sa imbestigasyon, na matapos na maihatid ni Palanca ang pasahero ay nagtungo ito sa condominium ni Largado.

Makalipas naman ang isang oras ay nakita sa CCTV si Largado na lumabas ng gusali at sumakay sa sasakyan ng biktima.

Natuklasan na lang ang naaagnas na bangkay ng biktima, na nakasupot ang ulo, nakasilid sa sako at nakasiksik sa ilalim ng lababo ng condo unit, nang mangamoy na ito at ireklamo ng mga tenant ng gusali dakong alas-kuwatro nang hapon noong Linggo. Iniimbestigahan pa naman ng awtoridad kung ano ang kaugnayan ng biktima sa suspek at motibo nito sa krimen. (Ronilo Dagos/Edwin Balasa)

The post Kotse ng pinatay na lady Grab driver narekober sa Lucena appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *