Kotse nahulog sa irrigation canal, 2 tinedyer malubhang nasugatan

Kotse nahulog sa irrigation canal, 2 tinedyer malubhang nasugatan

Malubhang nasugatan ang dalawang teenager matapos mahulog ang kanilang kotse sa isang irrigation canal sa provincial road ng Barangay San Manuel, Luna, Isabela noong Huwebes ng gabi.

kotse nahulog sa irrigation canal 2 tinedyer malubhang nasugatan - Kotse nahulog sa irrigation canal, 2 tinedyer malubhang nasugatan
isabel luna - Kotse nahulog sa irrigation canal, 2 tinedyer malubhang nasugatan

Malubhang nasugatan ang dalawang teenager matapos mahulog ang kanilang kotse sa isang irrigation canal sa provincial road ng Barangay San Manuel, Luna, Isabela noong Huwebes ng gabi.

Nakilala ang dalawang biktima na si Vince Angelo Gonzales, 17, estudyante, driver ng Toyota Vios, at sakay nitong si Arnel Galutera, 20.

Ayon sa Luna Police Station (LPS), nangyari ang insidente bandang 11:40 ng gabi sa may irrigation canal malapit sa provincial road ng Barangay San Manuel, Luna ng nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni LPS commander P/Capt. Jonathan Binayug, na ayon sa testimonya ng mga biktima, galing umano sila sa birthday nang biglang may tumawid na isang kalabaw sa tulay ng irrigation canal.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa manibela si Gonzales dahilan upang malaglag sila sa irrigation canal.

Ngunit ayon kay Binayug, sa kanilang pagsisiyasat, mabilis umano ang takbo ng kotse at wala namang kalabaw sa lugar nang dumating ang mga pulis.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at agad na isinugod sa ospital.

Inaalam na ng LPS kung nasa impluwensiya ng alak ang dalawang teenager nang mangyari ang insidente. (ALLAN BERGONIA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *