Kontrata sa IT, bidding dinoktor! 2 PhilHealth exec sinuspinde sa tongpats

Dalawang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pinatawan ng anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman dahil sa anomalya sa Information Technology (IT) department ng ahensya.

The post Kontrata sa IT, bidding dinoktor! 2 PhilHealth exec sinuspinde sa tongpats first appeared on Abante.

kontrata sa it bidding dinoktor 2 philhealth exec sinuspinde sa tongpats - Kontrata sa IT, bidding dinoktor! 2 PhilHealth exec sinuspinde sa tongpats
abante philhealthj 1 - Kontrata sa IT, bidding dinoktor! 2 PhilHealth exec sinuspinde sa tongpats

Dalawang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pinatawan ng anim na buwang suspensyon ng Office of the Ombudsman dahil sa anomalya sa Information Technology (IT) department ng ahensya.

Nahaharap sa kasong grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service ang dalawang opisyal na sina Senior Vice President at Chief Information Officer Jovita Aragona at Acting Senior Manager of the Information Technology and Management Department Calixto Gabuya Jr.

Sa reklamong inihain laban sa dalawa ng Ombudsman- Special Task Force PhilHealth, inakusahan nito sina Aragona at Gabuya na magmamanipula ng budget ng IT department ng PhilHealth at bumibili ng mga overpriced items.

“PhilHealth’s Internal Audit Report on the inventory of hardware and software of the IT Department showed “discrepancies” in the representation of items submitted in the 2020 budget. These were not included in the Information System Strategic Plan (ISSP) that must be approved by the Department of Information Communication and Technology (DICT)” ayon sa Ombudsman.

Nakita din na overpriced ang mga IT equipment ng P98,500,000 at may ilang items na hinihiwalay- hiwalay gayong iisang item lang ito na nagkakahalaga ng P132.2M.

Ang anomalya sa IT department ay una na rin umanong napuna ng Commission on Audit (COA) nang 24 network switches na binili ng IT Dept ay hindi ginamit sa mga PhilHealth regional offices.

Sa sumunud na taon ay bumili pa rin ang IT Dept ng 15 units ng nasabing network switches na ang sinabing halaga ay P358,000 gayong ang tunay na halaga nito P62,000 lamang.

“Respondents, by virtue of their positions, facilitated these anomalies.Further, they affixed their signatures on official documents causing the falsification of these documents, and procurement of IT equipment in gross violation of R.A. 9184, the COA rules and regulations, DICT Guidelines on the procurement of IT equipment, and other applicable laws, rules and regulations on the issuance of IT budget, to the great detriment of PhilHealth.” nakasaad sa kautusan ng Ombudsman na pirmado ni Ombudsman Samuel Martires.

Ang suspension na nilagdaan ni Martires noong Nobyembre 5 ay epektibo agad at walang makukuhang sahod ang dalawang opisyal habang iniimbestigahan. (Tina Mendoza)

The post Kontrata sa IT, bidding dinoktor! 2 PhilHealth exec sinuspinde sa tongpats first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *