Konsehala naghimutok sa San Juan LGU

Naghihimutok ang isang konsehal ng San Juan City matapos na hindi pagbigyan sa hiling na makakuha ng listahan ng evacuees at nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses na kung saan ay nakahanda na umano ang mga relief goods na ipamimigay.

The post Konsehala naghimutok sa San Juan LGU first appeared on Abante.

konsehala naghimutok sa san juan lgu - Konsehala naghimutok sa San Juan LGU
abante jana ejercito - Konsehala naghimutok sa San Juan LGU

Naghihimutok ang isang konsehal ng San Juan City matapos na hindi pagbigyan sa hiling na makakuha ng listahan ng evacuees at nasalanta ng nagdaang bagyong Ulysses na kung saan ay nakahanda na umano ang mga relief goods na ipamimigay.

Batay sa FB post ni Councilor Jana Ejercito, hiniling niya sa San Juan City hall na bigyan siya ng listahan ng mga evacuees na gaya ng kanilang ginagawa sa mga nakaraang administrasyon na kung saan ay gumawa pa siya ng sulat sa kay San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ayon pa kay Ejercito, hindi ibinigay ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang kanyang request na listahan ng evacuees sa Barangay Batis na kung saan ay tinanggihan umano ng Mayor’s Office ang kanyang pinadalang liham upang makuha ang listahan ng mga dapat na matulungan.

“Hangarin ko lamang ay tumulong, hindi pinapayagan ng tao ni Mayor Zamora na makapasok kami sa evacuation sites at kailangang humingi muna ng permit subalti pagdating naman sa city hall ay ayaw daw magbigay,” ayon sa konsehala.

Sinabi pa umano ng tauhan ng CSWD na paglabag daw ito sa Data Privacy Act at siya bilang konsehal ay ginagampanan niya ang kanyang obligasyon na magserbisyo sa taga-San Juan.

Kaya naman humihingi ng paumanhin si Konsehala Jana Ejercito sa mga naapektuhang residente ng Barangay Batis na hindi maipahatid ang kanyang tulong na Biyernes pa lang ay nakahanda na subalit tila ginigipit sila ng administrasyon.

Tila nagkakaroon din ng politika sa San Juan pagdating sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang residente na kung saan ay hindi naman kailangang maghigpit at kailangang magtulungan pa para masagip ang mga nangangailangan.

Samantala, wala namang komento ang tanggapan ng San Juan City kaugnay sa himutok ng konsehala. (Vick Aquino)

The post Konsehala naghimutok sa San Juan LGU first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *