Kongreso haharangin taas singil sa PhilHealth contribution

Umapela kahapon si Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa Kamara at Senado na magpasa ng isang joint resolution para sa anim na buwan na pagpapaliban sa dagdag na kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

The post Kongreso haharangin taas singil sa PhilHealth contribution first appeared on Abante.

kongreso haharangin taas singil sa philhealth contribution - Kongreso haharangin taas singil sa PhilHealth contribution
abante philhealth 5 - Kongreso haharangin taas singil sa PhilHealth contribution

Umapela kahapon si Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa Kamara at Senado na magpasa ng isang joint resolution para sa anim na buwan na pagpapaliban sa dagdag na kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Hirit ni Defensor, hindi napapanahon ang hakbang na dagdagan ang kontribusyon ng mga miyembro dahil unang-una ay marami pang dapat na ipaliwanag ang PhilHealth sa taumbayan partikular ang malawakan umanong anomalya dito.

Ayon kay Defensor, kabilang sa mga iregularidad na dapat munang ipaliwanag ng PhilHealth ay ang kabiguan nitong mabawi ang P15 bilyon iligal umanong ini-advance ng state insurer sa mga pribadong ospital na wala namang naitalang kaso ng COVID-19.

Bukod sa mga ini-advance na bayad para sa mga ghost COVID-19 cases, pinagpapaliwanag din ni Defensor ang PhilHealth sa karagdagang P1.5 bilyon na ibinigay na advance sa mga health facility na may mga maanomalyang kaso.

“My appeal to PhilHealth is to defer or delay the increase by at least six months to give time to Congress to pass an amendatory bill and other measures reforming the agency to make it more efficient and effective, and to lessen corruption, which results in billions in financial losses every year,” dagdag ni Defensor.

Kahit naman umano mabinbin ang dagdag na kontribusyon, hindi pa rin naman masisimot ang pondo ng PhilHealth dahil tatanggap pa ito ng P71 bilyon bilang ayuda sa budget nito na magmumula pa rin sa mga taxpayer.(Mia Billones)

The post Kongreso haharangin taas singil sa PhilHealth contribution first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *