Komite sa Senado bibiyakin

PINAG-AARALAN ng liderato ng Senado ang pagbiyak sa Committee on Education upang maresolba ang problema sa distribusyon ng committee chairmanship.

The post Komite sa Senado bibiyakin appeared first on Abante News Online.

komite sa senado bibiyakin - Komite sa Senado bibiyakin
ABANTE senate senado - Komite sa Senado bibiyakin

PINAG-AARALAN ng liderato ng Senado ang pagbiyak sa Committee on Education upang maresolba ang problema sa distribusyon ng committee chairmanship.

Kinumpirma nina Se­nate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senador Sherwin Gatchalian na pinag-iisipan na nila ang pagbiyak sa education committee.

Isa aniya rito ang basic education na posibleng pamunuan ni Gatchalian at ang higher education and skills training na pamumunuan ni Senador Joel Villanueva.

Posible naman aniyang ibigay kay Senator-elect Bong Go ang Committee on Health habang ang Public Order and Dange­rous Drugs Committee ay ipauubaya kay Senator-elect Ronald dela Rosa.

Inirerekomenda naman na ibigay kay Caye­tano ang Senate Ways and Means Committee habang ang kasalukuyang pinuno nito na si Senador Sonny Angara ay magiging Chairperson ng Finance Committee na babakantehin ni Senador Loren Legarda.

“Pia would make a good Ways and Means chairperson, she is a lawyer, she has advocacies, and she can fight for more taxation for health services. Also, she is not an reelectionist. I would suggest to Pia to get the Ways and Means, it is a prestigious committee,” diin ni Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na ibibigay naman sa magbabalik na senador na si Lito Lapid ang dati nitong komite na Games and Amusement habang mananatili sa Blue Ribbon Committee si Senador Richard Gordon kasama ang Committee on Justice.

Mananatili rin si Senador Nancy Binay sa Tou­rism Committee; si Senador Grace Poe sa Public Services; Senador Manny Pacquiao sa Public Works at si Senador Cynthia Villar sa Agriculture.

“We are still trying to find a happy solution for (Senators-elect) Francis Tolentino, Imee Marcos, and Pia Cayetano,” saad ni Zubiri. (Dang Samson-Garcia)

The post Komite sa Senado bibiyakin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *