Kolumnista, 1 pa tinodas sa Pampanga

Patay ang isang tabloid reporter at kasamahan nito sa isang ambush na naganap sa Barangay Cacutod, Arayat, Pampanga Linggo ng gabi.

kolumnista 1 pa tinodas sa pampanga - Kolumnista, 1 pa tinodas sa Pampanga
Patay 1 - Kolumnista, 1 pa tinodas sa Pampanga

Patay ang isang tabloid reporter at kasamahan nito sa isang ambush na naganap sa Barangay Cacutod, Arayat, Pampanga Linggo ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Dale D. Soliba, hepe ng Arayat police,­ ang mga biktima na sina Christopher Tiongson at Jupiter Gonzales, reporter at kolumnista ng paha­yagang Remate.

Agad namatay si Tiongson, habang binawian ng buhay si Gonzales sa Arayat District Hospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Naganap ang pamamaslang dakong­ alas-10:30 ng gabi habang patungo sa direksyon ng Olongapo-Gapan road ang dalawang biktima lulan­ ng isang kotseng Nissan Almera na may plakang AQA-8441 at na minamaneho ni Gonzales.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bumangga sa konkretong plant box na nasa gilid ng daan ang kotse ng mga biktima matapos silang pagbabarilin­ ng mga hindi pa kila­lang kalalakihan na pawang armado ng mataas na kalibre ng baril.

Kaugnay nito, mariing­ kinondena ni Usec. Joel Egco, exe­cutive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpatay kay Gonzales.

Inaalam ng pulisya­ kung may kinalam ang pagpaslang kay Gonzales sa pagiging kritiko nito sa mga iligal­ na sugal sa loob ng peryahan. (Rudy ­Abular/Edwin ­Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *