Koko pinitik ni Alejano sa pagdepensa sa China

BINANATAN ng Otso Diretso candidate na si Gary Alejano ang pagdedepensa ni Senator Koko Pimentel sa pagiging masyadong malapit ng Pilipinas sa bansang China sa kabila ng pagtatangka nitong sakupin ang teritoryo ng bansa.

The post Koko pinitik ni Alejano sa pagdepensa sa China appeared first on Abante News Online.

koko pinitik ni alejano sa pagdepensa sa china - Koko pinitik ni Alejano sa pagdepensa sa China
ABANTE gary - Koko pinitik ni Alejano sa pagdepensa sa China

BINANATAN ng Otso Diretso candidate na si Gary Alejano ang pagdedepensa ni Senator Koko Pimentel sa pagiging masyadong malapit ng Pilipinas sa bansang China sa kabila ng pagtatangka nitong sakupin ang teritoryo ng bansa.

Sa kanyang social media account, sinang-ayunan ni Gary ang isang post na kumukuwestiyon sa paliwanag ni Koko kung bakit inimbita ng partido ng administrasyon, ang PDP-Laban, ang mga pinuno at miyembro ng Communist Party of China sa ika-36 anibersaryo ng partido noong Pebrero 2018.

Sa parehong okasyon inilun­sad ang libro ni Chinese President Xi Jinping, ang pinuno ng Communist Party of China.

Depensa ni Koko, wala raw masama sa pakikipag-alyado sa China dahil “free country” naman daw ang Pilipinas na puwedeng magkaroon ng kooperasyon sa mga karatig-bansa nito.

Ngunit sinegundahan ni Gary ang pagkontra kay Koko. “Precisely! It’s about influence and control,” ani Gary.

Matagal nang isinusulong ni Gary—isang dating sundalong Marine na subok na sa pakiki­paglaban—na igiit ng adminis­trasyon ang pagkapanalo ng Pilipinas sa international arbitral tribunal sa gitna na nang pagtatangka ng China na angkinin ang West Philippine Sea.

Bagaman sa ilalim pa ng administrasyong Aquino naipanalo ng Pilipinas ang kaso, hindi naman ito pinandigan ng admi­nistrasyong Duterte dahil gusto nitong pangalagaan at lalo pang payabungin ang relasyon ng bansa sa China.

Pero dahil dito, ang mga ma­ngingisdang Pilipino ay patuloy na tinataboy ng China sa sarili nilang katubigan at libo-libong Pilipino din ang nawawalan ng trabaho dahil sa patuloy na pagpasok ng mga trabahanteng Tsino sa bansa.

The post Koko pinitik ni Alejano sa pagdepensa sa China appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *