Klase sa internet café puwede – Malakanyang

Ipapaubaya na ng Malacañang sa mga local government unit (LGU) kung papayagan ang mga estudyante na gawin sa mga internet cafe’ ang kanilang online learning kasabay ng pagbubukas klase sa Lunes, October 5.

The post Klase sa internet café puwede – Malakanyang first appeared on Abante.

klase sa internet cafe puwede malakanyang - Klase sa internet café puwede – Malakanyang
abante internet cafe - Klase sa internet café puwede – Malakanyang

Ipapaubaya na ng Malacañang sa mga local government unit (LGU) kung papayagan ang mga estudyante na gawin sa mga internet cafe’ ang kanilang online learning kasabay ng pagbubukas klase sa Lunes, October 5.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kadalasan ay sa online gaming ginagamit ang internet cafes’ kaya nasa mga lokal na opisyal kung maglalabas sila ng regulasyon para magamit sa online learning .

May kuwestiyon din aniya kung sa internet cafe’ mag-online ang mga estudyante dahil hindi angkop sa pag-aaral dahil masikip at limitadong espasyo nito.

“Okey po sana ‘yan kaya lang hindi ganyan iyang negosyo ng internet cafe’ talaga. Pang-gaming po iyan at saka pang-social media,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na nasa kamay na ng mga alkalde at opisyal ng barangay kung papayagang maging online hub para sa mga estudyante ang mga internet cafe’ para sa kanilang pag-aaral.

“Nasa kamay na po iyan ng mga lokal na pamahalaan kung papayagang magbukas,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

The post Klase sa internet café puwede – Malakanyang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *