Klase sa ilang bayan sa Cotabato suspendido pa

Klase sa ilang bayan sa Cotabato suspendido pa

Suspendido pa rin hanggang sa ngayon ang klase sa halos lahat ng antas ng paaralan sa ilang bayan sa North Cotabato.

klase sa ilang bayan sa cotabato suspendido pa - Klase sa ilang bayan sa Cotabato suspendido pa
class - Klase sa ilang bayan sa Cotabato suspendido pa

Suspendido pa rin hanggang sa ngayon ang klase sa halos lahat ng antas ng paaralan sa ilang bayan sa North Cotabato.

Kasabay nito ay puspusan pa rin ang ginagawang pagsusuri sa ilang gusali at mga nabitak sa paaralan ng mga kawani ng municipal at city engineer at ng disaster team.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring klase sa mga paaralan sa Mlang, Tulunan, Kidapawan City, Makilala at Midsayap.

Nilinaw naman ni Cotabato Acting Gov. Emmylou Mendoza na nasa mga LGU at DepEd na kung magsususpinde ng klase sa kanilang mga nasasakupan depende sa dinanas nilang pinsala.

Gayunma’y mananatili pa rin aniyang walang klase sa mga bayang ma­tinding sinalanta ng lindol.

Nauna nang naantala ang klase sa iba’t ibang paaralan sa ilang bayan sa North Cotabato matapos maapektuhan ang mga ito ng magkakasunod na malalakas na lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *