Kitty Duterte dinapuan ng dengue

HINDI nakaligtas ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica ‘Kitty’ Duterte sa sakit na dengue.

kitty duterte dinapuan ng dengue - Kitty Duterte dinapuan ng dengue
kitty 1 - Kitty Duterte dinapuan ng dengue

HINDI nakaligtas ang bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica ‘Kitty’ Duterte sa sakit na dengue.

Isa si Kitty sa libo-libong Pilipino na tinamaan ng sakit na dengue kung saan batay sa record ng Department of Health (DOH) ay umabot na sa 322,693 ang bilang ng mga Pilipinong tinamaan ng nabangggit na sakit simula January 1 hanggang September 26 nitong kasalukuyang taon.

Kasama si Kitty sa libo-libong mga bata na nabakunahan ng dengvaxia vaccine.

Bagama’t wala pang opisyal na impormasyon ang tagapagsalita ng Malacañang na si Secretary Salvador Panelo, sinabi naman ng dating top aide ng Pangulo na si senador Bong Go na maayos na ang lagay ni Kitty at nagpapa­galing na ito.

“Okay naman po siya. Dengue fever po ito at on her way to recovery na po siya. Sa awa ng Diyos maayos naman po bumabalik na ‘yung, umaakyat na ‘yung kanyang platelet and hopefully ay gagaling na siya,” ani ni Go.

Matatandaang nagmadaling umuwi si Pangulong Duterte nitong Linggo nang hapon matapos dumating sa bansa mula sa limang araw na state visit sa Russia para mabisita at makita agad ang kanyang bunsong anak.

Nalaman aniya ni Pangulong Duterte na nagka-dengue ang bunsong anak noong nasa Russia ito kaya pagbalik sa Pilipinas ay agad na dumiretso sa ospital para makita ang kondisyon ng bunsong anak.

“Nasa Russia kami nu’ng nangyari ito kaya nu’ng pagdating namin dumiretso agad kami sa ospital at bisitahin ‘yung kanyang youngest daughter,” dagdag pa ni Go. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *