Kita sa STL binulsa ng mga EX-GENERAL

₱57B DINEKWAT SA KITA NG STL

ANG mga prangkisa ng Small Town Lottery (STL) na pag-aari diumano ng mga retiradong police at military official ang hindi nagbibigay ng share sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula sa kanilang koleksyon, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

kita sa stl binulsa ng mga ex general - Kita sa STL binulsa ng mga EX-GENERAL
stl - Kita sa STL binulsa ng mga EX-GENERAL

ANG mga prangkisa ng Small Town Lottery (STL) na pag-aari diumano ng mga retiradong police at military official ang hindi nagbibigay ng share sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula sa kanilang koleksyon, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“Other information would indicate na mga retired police and military officers ang nakakuha ng franchise. Nakapangalan lang sa mga dummies pero sila ang behind,” pahayag ni Lacson sa isang forum kahapon sa Senado.
“Pagka sinabi mong dating police officer na nag-retire, alam niya ‘yung kalakaran ng jueteng. So dapat ginamit ‘yung kaalaman nila sa kalakaran ng jueteng sa mabuting paraan para matulungan ang gobyerno, matulu­ngan ang PCSO,” dagdag pa nito.

Pero sa halip aniya na mag-remit ng tama, hindi umano nagbibigay ng tama ang mga STL outlet na pag-aari ng mga retiradong police at military official.

“Hindi naman lalabas ang pangalan nila doon. At ‘yung mga bagong franchise holders na ‘yun nga, pag-aari ng mga retired [officers], hindi nagre-remit,” sabi ni Lacson.

Sinabi pa ng senador na minsan nang inimbestigahan ng Se­nate committee on games and amusement ang problema sa remittance ng STL. Nabatid sa pagdinig na kumikita ng P72 bilyon kada taon sa jueteng, pero pagdating sa STL ay apat na bilyong piso lang ang pinakamalaking nakolekta ng PCSO.

Karamihan umano sa mga STL operator ay nagre-remit lamang ng 20% ng kita at ang 80% ay ibinubulsa na nila.

Ibinunyag din ni Lacson ang isang insidente kung saan hindi binayaran ang winner sa STL. Ang insidenteng ito ang posibleng isa sa nagpainit ng ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t pinag-utos ang suspensyon ng gaming operation ng PCSO noong Hulyo 26.

Nitong Martes nang gabi lamang ipinag-utos ng Pangulo ang pagbabalik ng operasyon ng lotto pero suspendido pa rin ang STL, Peryahan ng Bayan at Keno. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *