Kinupitan! Meal allowance ng preso sa NBP ₱39 kada araw

MAHIGIT sa P39 lamang ang halaga ng pagkain ng preso bawat araw sa New Bilibid Pri­son (NBP).

kinupitan meal allowance ng preso sa nbp e282b139 kada araw - Kinupitan! Meal allowance ng preso sa NBP ₱39 kada araw
NBP 1 - Kinupitan! Meal allowance ng preso sa NBP ₱39 kada araw

MAHIGIT sa P39 lamang ang halaga ng pagkain ng preso bawat araw sa New Bilibid Pri­son (NBP).

Ito ang nabunyag kahapon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Sa nasabing pagdinig, inamin ni Angelina Bautista, isang caterer sa Correctional Institution for Women (CIW) na minsan na siyang nanalo sa public bidding para suplayan ng pagkain ang mga preso sa halagang P39 sa tatlong meal kada araw.

Subalit kinuwestiyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kung bakit ganoon kaliit ang halaga ng pagkain ng mga preso gayong nakasaad diumano sa 2019 national budget na ang subsistence allowance ng mga ito ay P70 kada araw.

“Bakit papakainin mo preso P39 a day na meals, bayad na binibigay ng gobyerno ay P60, at least noong 2018, increased to P70 in 2019. ‘Di ko ma-reconcile bigay n’yo preso P39 a day worth of meals,” pahayag ni Lacson.

“Saan napunta ang balance? Subsistence allowance ‘yun eh… I assume DBM would release to you the corresponding budget P60 per day per PDL. Saan napunta ang diprensya ng P21?” tanong pa nito.

Nagbabala pa si Lacson na ang pag-realign ng pondo ay maaring mauwi sa technical malversation.

“Ni-realign ninyo. Sabi nga ni (Sen. Francis Tolentino), baka madale kayo sa technical malversation,” sambit ni Lacson.

Samantala, sinabi naman ni dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos na kumukubra umano ang NBP director ng P1 milyon kada buwan mula sa subsistence allowance ng mga preso.

“Hindi napupunta sa sikmura ng preso ang napakababa na P39 instead of P60, tapos kina-cut pa rin!” giit naman ni Lacson.

Kung kulang aniya ng P21 kada araw ang food allowance bawat preso, dapat makatipid umano ang gobyerno ng P360 milyon sa isang taon.

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *