Kinontra ng ate ang pakikipag-BF Dalagita umakyat, nagtangkang tumalon sa tower

NAGBANTANG tatalon sa isang mataas na to­wer ang isang 17-an­yos na dalagita matapos pagsabihan at tutulan ng kanyang ate ang pakikipagrelasyon nito sa kanyang nobyo Biyernes nang umaga sa Barangay Poblacion, bayan ng Medellin, Cebu.

kinontra ng ate ang pakikipag bf dalagita umakyat nagtangkang tumalon sa tower - Kinontra ng ate ang pakikipag-BF Dalagita umakyat, nagtangkang tumalon sa tower
ABANTE tumalon - Kinontra ng ate ang pakikipag-BF Dalagita umakyat, nagtangkang tumalon sa tower

NAGBANTANG tatalon sa isang mataas na to­wer ang isang 17-an­yos na dalagita matapos pagsabihan at tutulan ng kanyang ate ang pakikipagrelasyon nito sa kanyang nobyo Biyernes nang umaga sa Barangay Poblacion, bayan ng Medellin, Cebu.

Matapos ang halos limang oras na pagbabantang pagpapakamatay ay naibaba rin ang biktimang itinatago sa pangalang Rona.

Ayon kay PCorporal Marlon Montesclaros, on-duty investigator ng Medellin Police Station, pumanhik si Rona sa Telecommunications Tower na may taas na 50-80 meters bandang alas-6:45 nang umaga at naibaba rin bandang alas-10:50 nang umaga matapos pakiusapan ng kanyang ba­yaw na isang personnel ng Armed Forces of the Philippines.

Nabatid na nagtalo si Rona at ang kanyang ate matapos pagsabihan ng nakatatandang kapatid at tutulan sa pakikipagrelasyon nito dahil mga menor de edad pa sila.

Pansamantalang pinutol ang supply ng kuryente sa bayan ng Medellin para sa kaligtasan na rin ng biktima habang nire-rescue.

Dinala si Rona sa Cebu Provincial Hospital sa Bogo City at isinailalim sa stress debrie­fing. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *