Kinolateral sa utang 1,400 OFW passport nasamsam ng HK police

passport

NASA 1,400 pasaporte ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang kinumpiska ng Hong Kong police mula sa isang lending company matapos na gamiting collateral, ayon sa ulat ng subwebhk.com.

The post Kinolateral sa utang 1,400 OFW passport nasamsam ng HK police appeared first on Abante News Online.

kinolateral sa utang 1400 ofw passport nasamsam ng hk police - Kinolateral sa utang 1,400 OFW passport nasamsam ng HK police
passport - Kinolateral sa utang 1,400 OFW passport nasamsam ng HK police

NASA 1,400 pasaporte ng mga overseas Filipino worker (OFW) ang kinumpiska ng Hong Kong police mula sa isang lending company matapos na gamiting collateral, ayon sa ulat ng subwebhk.com.

Isang 35-anyos na kinilala sa apelyidong Wong at part owner ng lending company na OFC Holding Limited and Cheers Holding Company Limited ang inaresto dahil sa kawalan ng lisensya sa pagpapautang na umabot sa mahigit HK$4 million o katumbas ng US$511,200 sa 1,400 nitong mga kliyente.

Nabatid na sinalakay ang tanggapan ng nasabing lending company na matatagpuan sa Sheung Wan nu’ng nakaraang buwan. Gayunman ay pansamantalang nakalaya si Wong matapos na magpiyansa.

Sa 1,400 kinumpiskang mga pasaporte ng mga OFW ay 900 umano ang naibalik na sa Philippine Consulate sa Hong Kong.

The post Kinolateral sa utang 1,400 OFW passport nasamsam ng HK police appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *