Kinastigo ang ‘nakakalokang’ pondo sa research Villar: Matalino akong tao

IPINAGYABANG ni Senador Cynthia Villar na matalino siyang tao kaya’t alam niya ang panga­ngailangan ng mga magsasaka.

kinastigo ang nakakalokang pondo sa research villar matalino akong tao - Kinastigo ang ‘nakakalokang’ pondo sa research Villar: Matalino akong tao
villar 11 - Kinastigo ang ‘nakakalokang’ pondo sa research Villar: Matalino akong tao

IPINAGYABANG ni Senador Cynthia Villar na matalino siyang tao kaya’t alam niya ang panga­ngailangan ng mga magsasaka.

Sinabi ito ni Villar, asawa ng pinakamayamang tao sa Pilipinas, sa hearing ng panukalang budget ng Department of Agriculture (DA) para sa susunod na taon.

Kaya nang makita ang P150 milyong pondo na gagamitin umano sa research ng National Corn Program, nagtaray na ito sa mga opisyal ng DA.

“Ako matalino akong tao pero hindi ko maintindihan ‘yung research ninyo, lalo na ‘yung farmer. Gusto ba ng farmer ‘yung research? Hindi ba gusto nila tulungan ninyo sila? Bakit ba lahat ng budget ninyo research?” banat ni Villar.

“Parang lahat ng inyong budget puro research? Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin ninyo ba ‘yung research?” diin ng senadora.

Kung siya umano ang magsasaka, mas gugustuhin niyang mga butong pananim o ‘di kaya’y makinarya ang matanggap niyang tulong mula sa DA.

“Imagine calami­ty assistance P265 million? P150 million ang research? Eh ‘di P400 million na yon? Ayusin n’yo ‘to,” bulalas ni Villar.

Paliwanag naman ni Lorenzo Carangayn, national coordinator ng National Corn Program, nagbibigay naman umano sila ng ayuda sa magsasaka tulad ng seed at fertilizer.

Duda naman ang mga netizen sa sinabi ni Villar na tumutulong lamang siya sa mga magsasaka.

“Baliw na baliw ka sa land conversion. Aanhin mo ba yung subdivision? Ako matalino akong tao pero di ko maintindihan ang land conversion mo, lalo na yung farmer. Gusto ba ng farmer yung subdivisions? Hindi ba ang gusto nila tulu­ngan mo sila,” litanya ng isang netizen. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *