Kim ‘nag-apply’ sa Blackpink

Tinawag na Jennie Kim ng Pilipinas si Kim Chiu ng kanyang mga fan dahil papasa raw na look-a-like ni Kim ang main rapper ng Korean girl group sensation na Blackpink.

The post Kim ‘nag-apply’ sa Blackpink appeared first on Abante News Online.

kim nag apply sa blackpink - Kim ‘nag-apply’ sa Blackpink
Abante Tonite 2019 Kim Chiu - Kim ‘nag-apply’ sa Blackpink

Tinawag na Jennie Kim ng Pilipinas si Kim Chiu ng kanyang mga fan dahil papasa raw na look-a-like ni Kim ang main rapper ng Korean girl group sensation na Blackpink.

Nag-post kasi ang aktres ng kanyang ready-awra para sa “It’s Showtime” at ikinumpara pa sa pamamagitan ng collage ang litrato niya at ni Jennie ng Blackpink.

Tuwang tuwa pa nga ang aktres sa kina­labasan ng kanyang awra na feeling daw niya ay ika-limang miyembro na siya ng grupo.

Halos lahat naman ng mga fan ay sumang-ayon na maging Jennie ng Pilipinas si Kim, ‘yun nga lang, hindi raw sila sigurado kung kaya raw ba ni Kim mag-rap tulad ni Jennie.

Gayunpaman, pagdating naman daw sa hataw na sayawan ay puwedeng ilaban talaga si Kim dahil magaling naman ito.

Nag-request pa ang mga fan na dapat ay sayawin daw ni Kim sa “ASAP” ang new hit song ng Blackpink na “Kill This Love” dahil feeling daw ng mga fan, kapag nakita iyon ng mga miyembro ng Blackpink, partikular si Jennie, ay matutuwa ang mga iyon. (Athena Yap)

The post Kim ‘nag-apply’ sa Blackpink appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *