Killer ng Grade 7 timbog

NADAKMA ng mga awtoridad ang guwardiya na suspek sa pamamaril at pagpatay sa 15-a­nyos na Grade 7 student sa Calamba, Laguna.

The post Killer ng Grade 7 timbog appeared first on Abante News Online.

killer ng grade 7 timbog - Killer ng Grade 7 timbog
laguna 1 - Killer ng Grade 7 timbog

NADAKMA ng mga awtoridad ang guwardiya na suspek sa pamamaril at pagpatay sa 15-a­nyos na Grade 7 student sa Calamba, Laguna.

Ayon kay Laguna Police Chief Col. Eleazar Matta, nadakip ang 36-anyos na si Renan Valderama, dakong alas-kuwatro ng Martes nang madaling-araw sa Brgy. Bucal habang ito ay nag-lalakad sa riles ng tren.

Naaresto si Valderama nang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na namataan ito sa nasabing lugar.

Ito ang itinuturong bumaril sa biktimang si Mark Anthony Miranda, sa loob ng klasrum sa Castor Alviar N­ational High School noong Hulyo 4.

Narekober sa dalang backpack nito ang isang balisong at ang service firearm nito na kalibre .38 revolver na siyang ginamit nito sa krimen.

Sa inisyal na interogasyon, sinabi ng suspek na nagtago ito sa maburol na bahagi ng Brgy. Masili at nagtutungo lamang sa tabi ng lawa ng Laguna Lake para uminom ng tubig.

Napilitan umano itong bumaba para maghanap ng pagkain.
Nitong Lunes, nag-anunsyo si Governor Ramil Hernandez na magbibigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ng hala-gang P100,000 sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspek.

Bukod sa kasong murder, sasampahan na rin ito ng kasong illegal possession of firearms.

Samantala nakatakda namang ihatid si Miranda sa huling hantungan sa Hulyo 11. (Ronilo Dagos)

The post Killer ng Grade 7 timbog appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *