Kiko papogi kina lolo’t lola

NAIS ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na bigyan ng cash assistance na P1,000 kada buwan ang mga Pinoy senior citizen na wala talagang tinatanggap na buwanang pensyon.

kiko papogi kina lolot lola - Kiko papogi kina lolo’t lola
abante senior citizen - Kiko papogi kina lolo’t lola

NAIS ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na bigyan ng cash assistance na P1,000 kada buwan ang mga Pinoy senior citizen na wala talagang tinatanggap na buwanang pensyon.

Sa Senate Bill 259 na inihain ni Pangilinan, nais nitong amiyendahan ang Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 sa dalawang paraan.

Una, doblehin ang monthly pension na P1,000 mula sa dating P500 at pangalawa, palawigin ang programa kung saan hindi lamang ang mga maralitang mahihirap na matatanda ang makikinabang.

“Kinikilala natin ang mga contribution ng ating mga senior citizens sa pag-unlad ng bayan. Nagbigay ng ginhawa ang pinasa nating batas sa tatlong milyong mahihirap na senior pero malaki pa ring porsyento ng mga senior ang ‘di kasama sa programa,” ani Pangilinan.

“Hindi na ito sapat para sa araw-araw na gastusin at lalo na sa pang-medical. Tumaas na ang halaga ng mga pangunahing bilihin at binaba nito ang totoong halaga ng social pension na tinatanggap nila ngayon,” ani Pangilinan.

Batay sa mga pag-aaral ang P500 buwanang pensiyon ay bumagsak sa 22% at katumbas na lamang ito ng P403 sa kasalukuyan. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *