Kenyan buking sa nilunok na 1.2 kilo cocaine sa Bangkok

INARESTO ang isang Kenyan sa Thailand matapos madiskubre sa tangkang pagpupuslit ng 68 paketeng cocaine na tumitimbang ng 1.2 kilo sa Bangkok airport nitong Miyerkoles, Agosto 21.

kenyan buking sa nilunok na 1 2 kilo cocaine sa bangkok - Kenyan buking sa nilunok na 1.2 kilo cocaine sa Bangkok
kulong 4 - Kenyan buking sa nilunok na 1.2 kilo cocaine sa Bangkok

INARESTO ang isang Kenyan sa Thailand matapos madiskubre sa tangkang pagpupuslit ng 68 paketeng cocaine na tumitimbang ng 1.2 kilo sa Bangkok airport nitong Miyerkoles, Agosto 21.

Kinilala ang suspek na si Glenn Chibasellow Ooko, 43, na dumating sa Suvarnabhumi airport sa Thailand nitong Lunes galing Ethiopia.

Naispatan sa X-ray na may dose-dosenang oblong item sa kanyang tiyan at nang suriin ay natuklasang naglalaman ang mga ito ng cocaine.

Maliban kay Ooko ay isa pang Nigerian national na kinilalang si Osita Joseph Ukpa ang inaresto. Ito umano ang kumontrata sa Kenyan para magpuslit ng iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *