Kenkoy, Kalabog En Bosyo, Pugad Baboy pang-alis ng problema ng mga Pinoy

Ang buwan ng Agosto para sa ating mga Pinoy ay “Buwan Ng Wika”.

kenkoy kalabog en bosyo pugad baboy pang alis ng problema ng mga pinoy - Kenkoy, Kalabog En Bosyo, Pugad Baboy pang-alis ng problema ng mga Pinoy
tanaw balik 1 - Kenkoy, Kalabog En Bosyo, Pugad Baboy pang-alis ng problema ng mga Pinoy

Ni: Ruel Mendoza

Ang buwan ng Agosto para sa ating mga Pinoy ay “Buwan Ng Wika”.

Para sa taong 2019, ipagdiriwang ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang Buwan ng Wikang Pambansa na tampok ang temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”. Pakikiisa ito ng KWF sa proklamasyon ng UNESCO ng 2019 International Year of Indige­nous Languages (IYIL).

Higit pa rito, ang pagdiriwang ay ipinatutupad ng KWF sa pamamagitan ng mabisang pagpapatupad ng mga pambansang programa para sa patuloy na pagpapaunlad, pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga katutubong wika na makapag-aambag sa higit na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga Filipino.

Isa sa naging paraan para maipakita ang ating pagiging isang Filipino ay sa pamamagitan ng mga kuwento na dinaan noon sa komiks.

Gamit ang lengguwaheng Tagalog, maraming­ pinasayang Pinoy ang mga komiks, na ang iba ay lumabas sa pamamagitan ng diyaryo at magasin.

Kaya balikan natin ang mga tinatawag na classic Pinoy komiks characters na nagpasaya at nagpawala kahit saglit ng ilang problema ng mga kababayan natin.

***
KENKOY

Isa sa mga kauna-unahang original Filipino comics charac­ters na nilikha ni Romualdo Ramos na lumabas noong 1932, si Francisco Harabas o si Kenkoy ay pinakilala bilang ang Filipino na masayahin at palabiro. Tinawag nga ni Nonoy Marcelo si Kenkoy bilang “ludicrous portrait of the Filipino pathetically trying but barely succeeding in keeping up with his American mentors. Philippine’s first true pop icon.”

Hindi nga malilimutan ang hitsura ni Kenkoy na suot ay baggy pants, suspenders, charol shoes at nakapamada ang buhok.

Ang iba pang nakilalang kasamahan ni Kenkoy ay si Rosing at ang kalaban niyang si Tirso S. Upot. Ang mga anak nila Kenkoy at Rosing ay sina Dayunyor Dyulie, Tsing, Doy, Dalisyosa, Etot, Nene, Piching, at ang ampon na si Tsikiting Gubat.

Noong 1975 ay ginawang pelikula ang “Kenkoy At Rosing” na pinagbidahan nila Chiquito at Eva Reyes.
In 1992, ginawa ng Musical Theater Philippines ang musical na “Kenkoy Loves Rosing” with Janno Gibbs as Kenkoy and Regine Velasquez as Rosing.

***
KALABOG EN BOSYO

Mula sa malikhaing pag-iisip ni Larry Alcala, kapwa detectives sina Kalabog at Bosyo pero ang kanilang kapalpakan ang siyang nagpasaya sa marami.

Lumabas ito sa Pilipino Komiks in 1947, naging longest-running comic strip series ito sa Pilipinas na umabot ng higit isang dekada.

Noong 1957, ginawa itong pelikula ng Sampaguita Pictures na pinagbidahan nina Dolphy at Panchito.

Muling ginawa itong pelikula noong 1986 na “Kalabog En Bosyo Strikes Again” na bida ulit sila Dolphy at Panchito.

In 1994, ni-remake ito ng Viva Films na ang bida ay sina Janno Gibbs at Dennis Padilla.

***
TISOY

Unang lumabas sa pahina ng Manila Times ang Tisoy ni Severino “Noynoy” Marcelo noong 1963 na tungkol sa kaugalian ng pangkaraniwang kabataang Pinoy tulad ni Tisoy. Ang paraan­ nila sa paghanap ng trabaho, kung paano sila makipagtalo sa mga usaping seryoso, ang makisawsaw sa ilang bagay at ang tinatawag na “bahala na” attitude.

Nakilala rito ang mga character na sina Aling Otik, Tikyo, Maribubut, Caligula, Cliff, Gemmo at Pomposa.

Ginawa itong TV series noong late ‘60s na pinagbidahan ni Jimmy Morato as Tisoy at kasama pa sina Pilar Pilapil, Moody Diaz at Bert “Tawa” Marcelo.

Noong 1977 ay ginawa naman itong pelikula na pinagbidahan ni Christopher de Leon.

***
IKABOD BUBWIT

Gawa rin ni Noynoy Marcelo,­ ang Ikabod Bubwit (Ikabod, the Small Rodent) ay isa sa naging paboritong basahin ng marami noong lumabas ito noong late ‘70s sa panahon na may political unrest sa bansa.

Nilalarawan kasi ni Ikabod ang ordinaryong Pilipino sa gitna ng socio-political crisis na dinadaan na lang sa katatawanan ang lahat. Ang Pilipinas dito ay tinawag na Dagalandia. Naging characters pa sa Ikabod Bubwit comic strip ang political figures tulad nina Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Joseph Estrada, and Gloria Macapagal Arroyo. Nagtapos ang kasaysayan ni Ikabod noong 2002.

***
BALTIC & CO.

Isa sa longest-running Filipino comics strip ito na likha ni Roni Santiago na lumabas sa Manila Bulletin noong ‘70s. Ang Baltic & Co. ay comics­ strip na tungkol sa isang maini­ting ulong boss na si Baltic at ang pakikitungo niya sa kanyang mga empleyado. Ito ay sina Miss Tapia, ang cashier; Mr. Golem, ang accountant; Bebs, ang secretary; Tom and Bong, mga clerks, at si Dyani, ang janitor. Kinaaliwan ng mga magbabasa ang day-to-day office scene humor na nangyayari sa totoong buhay.

Ginawa itong sitcom noong ‘70s kunsaan si Subas Herrero ang gumanap na Mr. Baltic, Mely Tagasa as Miss Tapia, Mary Massab as Bebs and Bert “Tawa” Marcelo as Dyani.

***
PUPUNG

Isa sa inabangan na comics strip noong 1983 ay ang Pupung ni Washinton “Tonton” Young. Si Pupung ay isang tipikal na batang Pinoy na mahilig sa basketball at mapagmahal sa kanyang pamilya na kinabibilangan nina Daddy, Mommy, Lolo Dom, Inday, Lelong, Jordan at ang mga alaga nila na ibon na si Larry Bird at aso na si Douglas. Sa kanilang family business na lugawan nagaganap ang mga nakakatawang sitwasyon, lalo na ang mga kakaibang hirit ni Lola Dom sa kanilang mga customer. Hindi political issues ang pinag-uusapan sa Pupung, kundi ang pangkaraniwan na nangyayari sa isang Pinoy household.

***
PUGAD BABOY

Created by Pol Medina, Jr., ang bida ng comics strip na Pugad Baboy na lumabas noong 1988 ay ang aso na si Polgas, Ang Asong Hindi.

Ang character ni Polgas ay witty, sarcastic, at may secret double life ito. Pinapakita rito ang mga drama ng isang Pinoy domestic environment at may ilang political satire din na pinapakita.

Nagkaroon ng cameo appearances sa Pugad Baboy sina presidents Ramos, Estrada, and Arroyo, martial artist Ernesto Presas, politicians Robert Jaworski, Rene Saguisag and Richard Gordon, singer Freddie Aguilar, comedian Leo Martinez, boxer Manny Pacquiao, Pope John Paul II, Mel Gibson, and Michael Jackson.

Noong 1993 ay ginawang live-action TV show ito sa GMA-7 na tumagal ng two seasons. Tinawag itong “Rated PB (Pang-Bayan): Pugad Baboy Sa TV” na dinirek ni Leo Martinez at nasa cast sina Edgar Mortiz, Rudy Meyer at Giselle Sanchez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *