Kelot tumalon sa footbridge

Nasa malubhang kalagayan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos tumalon sa footbridge sa Malabon City, Huwebes ng hapon.

kelot tumalon sa footbridge - Kelot tumalon sa footbridge
ABANTE icu - Kelot tumalon sa footbridge

Nasa malubhang kalagayan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos tumalon sa footbridge sa Malabon City, Huwebes ng hapon.

Nasa intensive care unit ngayon ng Manila Central University (MCU) Hospital ang biktima dahil sa labis na pinsala sa ulo at katawan.

Inilarawan ito na nasa edad 35-40, nakasuot ng asul na pantalon at blue green t-shirt at walang anumang identification card para makilala.

Ayon sa witness na si Arcadio Naranjo, 46, tricycle driver, nakatira sa Block 46, Barangay Longos, Malabon City, alas-2:30 ng hapon, nakita niyang papaakyat sa footbridge ang lalaki sa kahabaan ng C-4 road, Barangay Longos.

Nang makaakyat huminto daw ito sa gitna ng tulay at pagkatapos ay biglang tumalon kung saan lumagapak ang katawan nito at tumama ang mukha sa semento.

“Akala ko tatawid lang sa kabilang kalsada nagulat na lang kami nang biglang tumalon,” ani Naranjo. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *