Kelot todas sa 41 itlog

NAMATAY ang isang lalaki matapos niyang lantakan ang halos 50 na itlog dahil sa challenge ng kanyang kaibigan.

kelot todas sa 41 itlog - Kelot todas sa 41 itlog
abante itlog - Kelot todas sa 41 itlog

NAMATAY ang isang lalaki matapos niyang lantakan ang halos 50 na itlog dahil sa challenge ng kanyang kaibigan.

Nagkayayaan ang biktimang si Subhash Yadav, 42-anyos, at hindi pinangalanang kaibigan sa Bibiganj market sa Jaunpur City, India para kumain ng itlog noong Nobyembre 4, ayon sa Khaleej Times report.

Nauwi sila sa pagtatalo at naghamunan na kung sino ang makakakain ng 50 na itlog ay mananalo ng 2,000 rupees o P1,400 cash.

Kumasa sa hamon si Yadav at nagawang makakain ng 41 na itlog pero bigla itong nawalan ng malay at bumagsak nang kakainin niya na sana ang ika-42 na itlog.

Agad na dinala si Yadav sa kalapit na ospital matapos mag-collapse bago ito nailipat sa Sanjay Gandhi Post Graduate Institute of Medical Sciences pero hindi na naisalba ang kanyang buhay.

Namatay umano si Yadav dahil sa overeating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *