Kaya binabaha pa rin! 117 flood control project barado sa MMDA

abante-tonite-japan-flood

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang kabiguan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tapusin ang mga flood control project noong 2018.

kaya binabaha pa rin 117 flood control project barado sa mmda - Kaya binabaha pa rin! 117 flood control project barado sa MMDA
abante tonite japan flood - Kaya binabaha pa rin! 117 flood control project barado sa MMDA

KINUWESTYON ng Commission on Audit (COA) ang kabiguan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tapusin ang mga flood control project noong 2018.

Sa 170 nakalinyang proyekto, 117 na may kabuuang halagang P878.57 milyon ang hindi matapos bunga ng kakulangan ng “procurement timelines” sa procurement plan ng MMDA.

Ayon sa COA, kung may nakalatag na time schedule alinsunod sa Department of Budget and Management Circular Letter No. 2010-9, mapapadali sana ang paggawa ng mga flood control sa unang quarter ng taon kung saan maganda pa ang panahon.

Sa halip, marami sa mga proyekto ay ginawa sa 3rd at 4th quarter ng 2018 kaya’t hindi ito napakinabangan sa panahon ng tag-ulan.

Kabilang din sa naging problema ay ang kabiguan ng MMDA na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at sa Department of Public Works and Highways.

Depensa naman ng MMDA, bagama’t sa u­nang quarter ang tamang panahon para gawin ang proyekto, hindi maaaring pagsabayin ang 170 proyekto “considering the entire procurement process mandated by (procurement law)”.

Sa kabila nito, nagsumite pa rin ng 2018 revised procurement plan ang MMDA noon lamang Mayo 21, 2019.

Muling naranasan ang mga pagbaha sa Metro Manila pagpasok ng panahon ng tag-ulan. (Yves Briones)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *