Kawatan ng road sign, 15 taon kulong

Dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng mga namamatay sa aksidente sa daan, inindorso ng House Committee on Revision of Laws para aprubahan sa plenaryo ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa pagnanakaw o paninira ng mga road sign at iba pang warning devices, accessories at pasilidad.

The post Kawatan ng road sign, 15 taon kulong first appeared on Abante.

kawatan ng road sign 15 taon kulong - Kawatan ng road sign, 15 taon kulong
tonite jailed - Kawatan ng road sign, 15 taon kulong

Dahil sa nakakaalarmang pagtaas ng kaso ng mga namamatay sa aksidente sa daan, inindorso ng House Committee on Revision of Laws para aprubahan sa plenaryo ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa pagnanakaw o paninira ng mga road sign at iba pang warning devices, accessories at pasilidad.

Isinumite na ng komite sa pamumuno ni Zambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla ang inakda niyang House Bill 7886 kung saan ay naglalaman ito ng pinagsamang panukala nina Quezon City Rep. Alfredo Vargas at Deputy Speaker Raneo Abu.

Sa ilalim ng House bill 2090 na akda ni Abu, iminungkahi niya ang 12 hanggang 15 taon pagkakakulong at multang P200,000 hanggang P300,000 bilang parusa sa magnanakaw ng mga signage at manhole cover na maglalagay sa panganib sa mga motorista at pedestrian.

Gayunman, nais ni Vargas na dagdagan pa ng pangil ang panukalang batas at gawing P200,000 hanggang P500,000 ang multa at parehong 12 hanggang 15 pagkakakulong sa magnanakaw ng mga signage at manhole cover na maglalagay sa panganib sa mga motorista at pedestrian.

Kung sisirain at susulatan ang signage, may parusa itong anim hanggang 10 taong pagkakakulong at multang P100,000-P150,000.

Parehong parusa rin ang nais ni Vargas na ipataw sa mga bibili ng ninakaw na road signage gayundin sa mga empleyado ng pamahalaan at kanilang kasabwat.

Ayon sa Department of Public Works and Highways(DPWH), umabot sa 42, 558 piraso ng signage at devices ang ikinabit pero nanakaw mula noong Enero 2013.

Sa ilalim ng panukala, aamyendahan ang Revised Penal Code upang hindi na maging simpleng theft ang kaso ng mga magnanakaw ng signage.(Mia Billones)

The post Kawatan ng road sign, 15 taon kulong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *