KatNiel, nag-donate ng 10 kulungan ng aso

NAGBIGAY ng 10 kulungan ng hayop ang celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Manila City Pound bilang tulong sa pamahalaang-lokal kaugnay sa nakakaawa umanong kalagayan ng mga nahuhuli at nakakulong na aso sa pasilidad.

The post KatNiel, nag-donate ng 10 kulungan ng aso appeared first on Abante News Online.

katniel nag donate ng 10 kulungan ng aso - KatNiel, nag-donate ng 10 kulungan ng aso
ABANTE cage - KatNiel, nag-donate ng 10 kulungan ng aso

ABANTE MO

NAGBIGAY ng 10 kulungan ng hayop ang celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Manila City Pound bilang tulong sa pamahalaang-lokal kaugnay sa nakakaawa umanong kalagayan ng mga nahuhuli at nakakulong na aso sa pasilidad.

Sa post ng Manila Public Information Office (PIO), pinasalamatan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang young power couple sa showbiz sa suporta ng mga ito sa kanilang layunin na maisaayos ang kalagayan ng mga nakakulong na aso.

Ipinadala ng magkasintahan ang donasyong animal cage matapos bumisita sa city pound si Domagoso noong Hunyo 28.

Sinabi rin sa post na pinagpaliban ng alkalde ang pagsasagawa ng euthanization o mercy killing sa mga hayop na karamihan ay mga aso.

Umaasa aniya ito na mayroong mag-aampon sa mga hayop para mahalin at alagaan ang mga ito sa loob ng kanilang mga tahanan.

Matatandaang kamakailan lang ay ginawan pa ni Kathryn ng Instagram account ang kanyang mga alagang aso bilang tanda ng sobra nilang pagmamahal sa mga ito.

Pinangalanan niya itong Kathanddogs na ngayon ay mayroon ng mahigit na 2,000 followers.

“Hi humans! Mom FINALLY made an account for us! Follow us and get ready to see your daily dose of cuteness from me and my siblings. @kathanddogs,” ang caption pa ni Kathrn sa kanyang Instagram account. (Mia Billones/Juliet de Loza-Cudia)

The post KatNiel, nag-donate ng 10 kulungan ng aso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *