Katiwalian sa PhilHealth tutuldukan ni Duque

TINIYAK kahapon ni Health Secretary Francisco Duque na tutuldukan na ang ‘hokus-pokus’ sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hinggil sa mga fraudulent claim.

The post Katiwalian sa PhilHealth tutuldukan ni Duque appeared first on Abante News Online.

katiwalian sa philhealth tutuldukan ni duque - Katiwalian sa PhilHealth tutuldukan ni Duque
duque 3 - Katiwalian sa PhilHealth tutuldukan ni Duque

TINIYAK kahapon ni Health Secretary Francisco Duque na tutuldukan na ang ‘hokus-pokus’ sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hinggil sa mga fraudulent claim.

Kasabay nito ay mahigpit na nagbabala si Duque na papanagutin ng pamahalaan ang mga healthcare provider at opisyal ng PhilHeath na sangkot sa ghost dialysis claim.

Ang babala ay ginawa ni Duque matapos ang impormasyon na may ilan pang healthcare provider na hinihinalang may kasabwat na mga PhilHealth employee at official ang may ghost dialysis claim.

“As the Health Secretary and ex-officio Chairman of PhilHealth, I am warning all health providers and PhilHealth officials in the strongest possible terms. Do not cheat the system nor even attempt to do it,” ayon pa kay Duque.

Sinabi ni Duque, nakalulungkot at hindi katanggap-tanggap ang naturang katiwalian dahil maraming mahihirap na Pilipino ang umaasa sa tulong na ibinibigay ng PhilHealth.

Naunang iniutos ni Duque ang pagbalasa sa accreditation committee ng PhilHealth.

Samantala, itinalaga ni Duque bilang officer-in-charge ng PhilHealth si Executive Vice President and Chief Operating Officer John Basa, kapalit ng nagbitiw na si Roy Ferrer. (Aileen Taliping)

The post Katiwalian sa PhilHealth tutuldukan ni Duque appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *