Katas ng basura malaking hamon sa Manila Bay rehab

Makikita na seryoso ang gobyerno sa ginagawang paglilinis ng Manila Bay. Sinusuri ng bawat ahensiya ng pamahalaan na kalahok sa adbokasiyang ito, kaisa ang ilang pribadong sektor na nag-iingat sa kalikasan ang mga hakbangin para maisakatuparan ang hangaring maibalik ang sigla ng Manila Bay. Ang Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na nakatutok dito, katuwang ang […]

The post Katas ng basura malaking hamon sa Manila Bay rehab appeared first on Abante News Online.

katas ng basura malaking hamon sa manila bay rehab - Katas ng basura malaking hamon sa Manila Bay rehab
manila bay 5 - Katas ng basura malaking hamon sa Manila Bay rehab

Makikita na seryoso ang gobyerno sa ginagawang paglilinis ng Manila Bay.

Sinusuri ng bawat ahensiya ng pamahalaan na kalahok sa adbokasiyang ito, kaisa ang ilang pribadong sektor na nag-iingat sa kalikasan ang mga hakbangin para maisakatuparan ang hangaring maibalik ang sigla ng Manila Bay.

Ang Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang pangunahing ahensiya ng gobyerno na nakatutok dito, katuwang ang Laguna Lake Developmen­t Authority (LLDA), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mga lokal na pamahalaan at iba pang sangay ng gobyerno na may kinalaman sa programang ito.

Ang Greenpeace Philippines ay ilan lamang sa makakalikasan na natuwa sa hakbang ng DENR na mainit tumanggap sa paglilinis ng mga basura mula sa tubig ng Manila Bay ngunit binigyang-diin ng grupo na ang baybayin ay nananatiling mabigat sa pamamagitan ng hindi nakikitang basura na nagmumula sa mga negosyo na hindi sumusunod sa mga batas ng kalikasan.

Una nang sinabi ni Greenpeace regional oceans campaigner na si Sonny Batungbacal, ang problema sa Manila Bay ay ang mga basura na hindi nakikita, lalo na ang mga natutunaw o katas ng basura na mara­ming bakterya.

Ito aniya ang dapat pagtuunan ng pansin at tama ang ginagawa ng DENR na ipasara ang mga establisimyento na hindi sumusunod sa Clean Water Act at mga patakaran o pamantayan sa batas ng kalikasan.

DENR limitado ang kapangyarihan

Sa mga naunang ulat, ilang establisimyento na pansamantalang ipinasara dahil sa walang habas na pagtatapon ng kanilang mga basura direkta sa Manila Bay ay patuloy pa rin sa kanilang operasyon sa kabila ng mga palatandaan (temporary closure) na inilagay sa lugar.

Ipinaliwanag ng DENR na ang kapangyarihan ng kanilang awtoridad na isakatuparan ang rehabilitasyon sa Manila Bay ay limitado lang sa isang mandamus na inilabas ng Korte Suprema noong 2008.

Kung kaya’t dito kakailanganin ng kagawaran ang tulong ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan na kanselahin ang mga permit sa negosyo upang isara ang mga establisimyento.

Mahalaga dito ang pagtutulu­ngan ng iba’t ibang departamento ng gobyerno upang maging matagum­pay at ganap na maisakatuparan ang programa.

Ilang pasaway na establisimyento, ipinasara ng DENR

Sa unang bugso ng pagkilos ng DENR, agad na kinastigo ang mga lumabag sa batas ng kapaligiran, iniutos ng kagawaran ang pansa­mantalang pagpapasara sa dalawang establisimyento at isang waste treatment facility malapit sa Manila Bay.

Ilan sa establisimyentong unang ipasara ay ang Aristocrat Restaurant sa Roxas Boulevard, Gloria Maris Restaurant malapit sa Folk Arts Theater, at isang water treatment facilities ng Esplanade (San Miguel By The Bay) sa Mall of Asia Complex sa Pasay City.

Nabatid na ang Aristocrat Restaurant ay ipinasara ng DENR sa pamamagitan ng LLDA dahil sa pagtatapon ng maruming tubig sa naturang baybayin.

Ang pagpapalabas ng kautusan ng DENR ay nag-ugat mula sa umano’y paglabag ng tatlong establisimyento sa Philippine Clean Water Act of 2004.

Sinabi ni LLDA General Manager Jaime Medina ang tatlong establisimyento ay naglalabas ng kontaminadong tubig sa Manila Bay.

Binanggit pa ni Medina na kapag bumagsak sa water pollution sa tes­ting na ginagawa, agad silang magmumultahin ng maximum P200,000 kada araw.

Ayon pa sa ulat, ang mga establisimiyento na mabibigong sumunod at ayusin ang mga alalahanin ay nanganganib na hindi mabigyan ng environmental compliance certificate (ECC), babawiin ang Mayor’s Permit at mapapasara ang kanilang mga negosyo. (Itutuloy)

The post Katas ng basura malaking hamon sa Manila Bay rehab appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *