Kaso ng pagnanakaw, carnap bumaba

IKINATUWA ng Mala­cañang ang survey na pagbaba ng common crimes sa bansa sa third quarter ng taon.

kaso ng pagnanakaw carnap bumaba - Kaso ng pagnanakaw, carnap bumaba
panelo 7 - Kaso ng pagnanakaw, carnap bumaba

IKINATUWA ng Mala­cañang ang survey na pagbaba ng common crimes sa bansa sa third quarter ng taon.

Kasunod ito nang inilabas na third quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan mula sa naitalang 7% noong June ay bumaba ito ng 5.6% nitong katatapos na 3rd quarter.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang resulta ng survey ay patunay lamang na walang katotohanan ang black propaganda ng oposisyon, simbahan at mga kritiko na talamak ang krimen sa bansa.

“Once again, the people have clearly spoken. We consider this a clear repudiation of the black propaganda and the false narratives peddled by those belonging to the political opposition, the left, the activist members of the clergy and the vocal critics of thr President and the current government, “ ani Panelo.

Ayon sa kalihim, ito ang pinaka-mababang record ng mga nabiktima ng krimen magmula noong buwan ng Hunyo.

Kabilang sa bumabang common crimes ay ang insidente ng pickpocket, pagnanakaw, panloloob, carnapping at pisikal na pananakit.

Patunay lamang aniya ito na tagum­pay ang programa ng gobyerno laban sa kriminalidad at illegal na droga.

“The September crime victimization survey validates government data that the campaign against illegal drugs and criminality is working effectively and efficiently with the results being significant, palpable and meaningful,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *