Kaso ng mga ‘ninja cop’ bubungkalin na ng DOJ

Pormal nang humiling ang Department of Justice (DOJ) na mabigyan sila ng kopya ng mga impormasyong lumitaw at nakalap ng Senado kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng tinaguriang mga “ninja cop”.

kaso ng mga ninja cop bubungkalin na ng doj - Kaso ng mga ‘ninja cop’ bubungkalin na ng DOJ
menardo 2 - Kaso ng mga ‘ninja cop’ bubungkalin na ng DOJ

Pormal nang humiling ang Department of Justice (DOJ) na mabigyan sila ng kopya ng mga impormasyong lumitaw at nakalap ng Senado kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng tinaguriang mga “ninja cop”.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na malaking tulong ang mga makukuha nilang kopya ng salaysay at testimonya ng mga dating PNP general na ibunyag sa Senate hearing.

Kumpiyansa ang kalihim na kapag nakuha na nila ito ay mabubuo agad ng DOJ ang kinakailangang mga criminal information para sa re-investigation na ginagawa ngayon ng binuong three man panel of prosecutors.

Kabilang sa binuong three man panel of prosecutors na magsasagawa ng preliminary investigation sa kaso ng mga “ninja cop” ay sina Senior Assistant State Prosecutor Alexander Suarez, Assistant State Prosecutor Josie Christina Dugay at State Prosecutor Gino Paolo Santiago. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *