Kaso ng leptospirosis tumaas

Iniulat ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang panibagong surge ng leptospirosis case.

The post Kaso ng leptospirosis tumaas first appeared on Abante.

kaso ng leptospirosis tumaas - Kaso ng leptospirosis tumaas
leptos - Kaso ng leptospirosis tumaas

Iniulat ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang panibagong surge ng leptospirosis case.

Ayon sa NKTI, 18 katao ang itinakbo sa mga emergency room noong Biyernes.

Dahil dito, umakyat na sa 64 ang kabuuang kaso ng leptospirosis simula ng pananalasa ng bagyong Ulysses noong Nobyembre 12, ani NKTI Executive Director Rose Marie Rosete-Liquete sa panayam ng CNN Philippines nitong Sabado.

Iniugnay ng NKTI chief ang pagtaas ng kaso sa incubation period ng sakit, kung saan lumalabas lang ang sintomas pagkaraan ng sampung araw hanggang tatlong linggo matapos lumusong sa baha.

Dagdag ni Rosete-Liquete, karamihan ng malalang kaso ng leptospirosis ay nagmula sa mga lugar na malubhang hinagupit ni “Ulysses” na Rizal, Marikina at Metro Manila.

Aniya, halos kalahati ng 64 pasyente na naka-confine sa NKTI ay sumasailalim sa dialysis, na ang ibig sabihin ay lumala na ang sakit.

Ang leptospirosis ay isang malubhang impeksyong dulot ng leptospira bacteria na inilalabas ng mga hayop sa kanilang pag-ihi. Kadalasang nakukuha ito sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga. (IS)

The post Kaso ng leptospirosis tumaas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *