Kaso ng dengue sa Region 8 tuloy sa pagtaas

NAALARMA na ang Department of Health (DOH) kaugnay sa pagtaas ng kaso ng dengue sa Eastern Visayas kung saan may 19 na ang nasawi at nasa 4,809 ang kumpirmadong kaso.

The post Kaso ng dengue sa Region 8 tuloy sa pagtaas appeared first on Abante News Online.

kaso ng dengue sa region 8 tuloy sa pagtaas - Kaso ng dengue sa Region 8 tuloy sa pagtaas
dengue2 - Kaso ng dengue sa Region 8 tuloy sa pagtaas

NAALARMA na ang Department of Health (DOH) kaugnay sa pagtaas ng kaso ng dengue sa Eastern Visayas kung saan may 19 na ang nasawi at nasa 4,809 ang kumpirmadong kaso.

Ayon sa DOH, mas mataas ng 86% kumpara sa katulad na panahon noong Enero 1 hanggang Hulyo 11, 2018 na mayroon lamang naitalang 2,590 kaso ang naitala sa rehiyon.

Sinabi ni John Paul Roca, DOH regional information officer, na wala namang outbreak ng dengue sa rehiyon pero ang pagtaas ng kaso ng dengue ay naitala sa 52 barangay.

Ayon sa record ng DOH, umabot sa 12,000 katao ang nagka-dengue fever.

Nabatid na nagkaloob na rin ng rapid dengue test kit sa mga rural health unit para maitaas ang kanilang kapabilidad na ma-detect kaagad ang dengue.

Samantala, nagplano na ang pamahalaang lokal ng Sante Fe, Leyte na bumili ng misting machine para puksain ang mga lamok na nagdadala ng dengue.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Kaso ng dengue sa Region 8 tuloy sa pagtaas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *