Kaso laban sa Chinese vessel wala sa radar ng Palasyo

WALANG plano ang pamahalaan na magsampa ng kaso laban sa China at sa mga crew ng Chinese vessel na nakabangga sa Filipino boat sa Recto Bank sa West Philippine Sea, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

The post Kaso laban sa Chinese vessel wala sa radar ng Palasyo appeared first on Abante News Online.

kaso laban sa chinese vessel wala sa radar ng palasyo - Kaso laban sa Chinese vessel wala sa radar ng Palasyo
ABANTE palasyo 1 - Kaso laban sa Chinese vessel wala sa radar ng Palasyo

WALANG plano ang pamahalaan na magsampa ng kaso laban sa China at sa mga crew ng Chinese vessel na nakabangga sa Filipino boat sa Recto Bank sa West Philippine Sea, ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Binanggit ni Guevarra na maaaring isulong ng Pilipinas ang pagsasampa ng kaso alinsunod sa international maritime laws at ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), pero napagkasunduan umano sa Cabinet meeting noong Lunes na magsagawa na lamang ng joint marine inquiry upang mahugot ang tunay na pangyayari, itulak ang restitution at gumawa ng kaukulang hakbang upang hindi na maulit ang insidente ng banggaan.

“Resort of legal action, although available, is not contemplated at this time,” saad ni Guevarra.

Nitong Miyerkoles ay iginiit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat mag-sorry ang mga Chinese crew at pagbayarin din sa nasirang fishing boat ng mga Pinoy.

Noong nakaraang linggo ay naghain na ng diplomatic protest si Foreign Affairs Secretary Teo­doro Locsin Jr. dahil sa ginawang pag-abandona ng mga Chinese sa 22 Pilipinong mangingisda na ilang oras nagpalutang-lutang sa dagat bago tinulungan ng Vietnamese fishing boat.

Tinawag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘simple maritime incident’ ang banggaan at hindi na dapat palakihin pa.

Habang hindi pa naayos ang fishing boat na nasira, binigyan ng pamahalaan ng mga fiberglass boat ang 22 mangingisda nitong Miyerkoles. May kasama itong makina, fishing net at life jacket.

Subalit natuklasan na hindi compatible ang makina sa bangka kaya’t pinapalitan pa ito.

The post Kaso laban sa Chinese vessel wala sa radar ng Palasyo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *