Kasama sa samahan, suspek sa pamamaril sa mag-ina

crime-scene-patay-dead-body

NAKATITIYAK umano ang kaanak ng pinaslang na presidente ng Avenida Compound Neighborhood Association(ACNA) na isa sa limang miyembro ng kanilang asosasyon na nakagalit nito, ang nagpapatay sa biktima sa Tondo, Maynila, kamakalawa nang madaling araw.

The post Kasama sa samahan, suspek sa pamamaril sa mag-ina appeared first on Abante News Online.

kasama sa samahan suspek sa pamamaril sa mag ina - Kasama sa samahan, suspek sa pamamaril sa mag-ina
crime scene patay dead body - Kasama sa samahan, suspek sa pamamaril sa mag-ina

NAKATITIYAK umano ang kaanak ng pinaslang na presidente ng Avenida Compound Neighborhood Association(ACNA) na isa sa limang miyembro ng kanilang asosasyon na nakagalit nito, ang nagpapatay sa biktima sa Tondo, Maynila, kamakalawa nang madaling araw.

Ayon kay PS/Sgt.Lester Evangelista, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, ang naturang person of interest na hindi muna pinangalan ang posibleng umupa para ipapatay ang biktimang si Merly Rabanera y Timajo, vendor at residente ng No. 2707 Rizal Avenue sa kanto ng Bulacan St. Tondo.

Naging batayan ng pulisya ang pagbabanta nito sa biktima matapos silang mag-away.
Samantala, nasa maayos nang kondisyon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang anak ng biktima na si Christian, 19-an­yos, makaraang magtamo ng tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Sa ulat, pinutukan umano ng gunman ang mag-ina sa kabila ng pagmamakaawa ng mga ito.

Samantala, sinabi ng pulisya na gun-for-hire ang suspek dahil idiniin nitong hindi niya kilala ang biktima.

Inilarawan ang suspek na nasa edad 25-30, payat, nakasuot ng puting t-shirt at itim na short pants.

Pagkatapos barilin ang mga biktima, nataranta umano ang suspek kung kaya’t hindi nito nagawang makabalik sa kanyang motorsiklo na naiwan sa lugar nang tumakas siya.

Tinitingnan anggulo ng pulis­ya bilang motibo ng krimen ang pagiging presidente nito ng samahan.

Ipinaglalaban umano ng biktima ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay na pag-aari ng PNB.

“Sabi nila dahil Presidente dun ang biktima mayroon itong mga nakaaway dun sa lugar.” ayon kay Evangelista.
Patuloy naman iniimbestigahan ang krimen.

The post Kasama sa samahan, suspek sa pamamaril sa mag-ina appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *