Kasama ni Trump sa event nahawa ng COVID

Inanunsyo ni dating White House counselor Kellyanne Conway na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos na kumpirmahin ni US President Donald Trump na tinamaan siya ng virus.

The post Kasama ni Trump sa event nahawa ng COVID first appeared on Abante.

kasama ni trump sa event nahawa ng covid - Kasama ni Trump sa event nahawa ng COVID
abante donald trum - Kasama ni Trump sa event nahawa ng COVID

Inanunsyo ni dating White House counselor Kellyanne Conway na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos na kumpirmahin ni US President Donald Trump na tinamaan siya ng virus.

Pumunta si Conway sa event sa Rose Garden kung saan inanunsyo ni Trump ang kanyang napiling Supreme Court justice.

“Tonight I tested positive for COVID-19. My symptoms are mild (light cough) and I’m feeling fine. I have begun a quarantine process in consultation with physicians,” saad ni Conway.

Si Conway ang ikaanim na public figure na nagpositibo sa coronavirus na dumalo sa naturang event, sinundan sina Trump at asawa nitong si Melania, presidential aide Hope Hicks, Utah Sen. Mike Lee, North Carolina Sen. Thom Tillis at University of Notre Dame President Rev. John Jenkins.

Samantala, mild na sintomas lang din ang naramdaman ni Trump at dinala sa isang military hospital. Sabi pa ni White House Press Secretary Kayliegh McEnany, pansamantala munang mag-oopisa si Trump sa isang executive suite sa loob ng Walter Reed Military Medical Center habang minomonitor ng mga doktor. (Dave Llavanes Jr)

The post Kasama ni Trump sa event nahawa ng COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *